Pinas, China pumirma sa 14 kasunduan
MANILA, Philippines — Lumagda ang Pilipinas at China sa 14 bilateral agreement sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China.
Kabilang sa mga kasunduan ay may kinalaman sa agrikultura, imprastraktura, kooperasyong pangkaunlaran, maritime security, turismo, at iba pa.
Nilagdaan din ng Pilipinas at China ang joint action plan para sa agricultural at fisheries cooperation, digital and information and communications technology cooperation.
Napagkasunduan din ang protocol ng phytosanitary requirements para sa pag-export ng sariwang durian mula sa Pilipinas patungong China.
Naselyuhan din ang handover certificate ng dalawang China-aid bridge projects sa Maynila, ang Binondo-Intramuros bridge at ang Estrella-Pantaleon bridge.
Kasama rin sa listahan ang isang mutual recognition agreement sa pagitan ng General Administration of Customs of China at Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas sa maritime.
Samantala, nasa US$22 bilyon ang nakuhang pangakong investment ni Marcos sa China kabilang ang US$ 1.72 bilyon para sa agribusiness, US$13.76 bilyon sa renewable energy (RE), at US$ 7.32 bilyon sa strategic monitoring (electric vehicle, mineral processing).
Dalawang cooperative agreements din ang selyado para matiyak ang sustainable na supply ng agriculture inputs, lalo na ang mga fertilizers.
Tinanggap ni Marcos ang intensyon ng ilang Chinese companies na mamuhunan sa niyog, produksyon ng durian, at Philippine livestock sector.
- Latest