^

Bansa

Survey: US at Japan gusto ng mga Pinoy na makatulong ni Marcos sa West Philippine Sea

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas gusto ng nakararaming Pinoy na makatulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Estados Unidos at Japan para maidepensa ang soberenya ng bansa sa usapin ng West Philippine Sea.

Batay sa Pulse Asia survey na isinagawa sa may 1,200 adult Pinoy nationwide, 84% ang pinili ang US at 52% ay pinili ang Japan. Sinundan ito ng Australia (25%), UK (24%), South Korea (23%), China (20%), EU (20%), Russia (17%), France (12 %) at India (2%).

Ang survey ay ginawa noong ?November 27 hanggang December 1, 2022 na may tanong na,  “Among the following, which entities should the Marcos administration work with to strengthen security cooperation to defend our national sovereignty in the West Philippine Sea?”

Sa survey, ?may 4% naman ang nagsabing wala silang sapat na kaalaman upang magbigay ng opinyon sa usapin,  0.2% ang walang piniling bansa.

Sinabi ni Prof. Ronald Holmes, presidente ng Pulse Asia, na kalahati ng mga  respondents ay nagsabing dapat na mapalakas ng pamahalaang Marcos ang military capabilities ng bansa lalo na ang Navy at Coast Guard para higit na mapangalagaan ang usapin sa WPS  habang 29% ay naniniwalang mas mainam na magkaroon ng joint maritime patrols at military exercises  ang Pilipinas sa mga allied countries.

 

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with