Marcos nagtalaga ng 2 bagong appointees
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine National Police Academy (PNPA) chief Gilbert Cruz bilang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary, habang ang abogadong si Rogelio Peig ay pinangalanan bilang Undersecretary for Strategic Action and Response Office.
Batay sa mga larawang inilabas ng Office of the Press Secretary, nanumpa ang dalawang presidential appointees sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang oath-taking rites ay ginanap sa opisina ni Bersamin nitong Miyerkules.
Hindi pa inilalabas ng Palasyo ang appointment papers ng dalawang bagong undersecretaries.
- Latest