Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI nitong bagong taon.
Sa mensahe ni Marcos sa kanyang social media, sinabi niya ang matinding pagkalungkot dahil sa nalaman ang pagpanaw ng Pope sa edad na 95 sa kanyang bahay sa Vatican.
Nakikiisa umano ang Pilipinas sa pagdarasal para sa matiwasay na paglalakbay ng kaluluwa ni Pope Benedict, at kasama ring ipagdarasal ang naiwang pamilya nito.
“We are in deep sorrow upon learning of the passing of Pope Emeritus Benedict XVI today. The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers,” sinabi pa ni Marcos.
Matatandaan na inanunsiyo ng vatican nitong Sabado Disyembre 31,2022 ang pagpanaw ni Pope Benedict dahil sa matagal ng karamdaman.
Pinangasiwaan ni Pope Benedict ang Simbahang katoliko sa loob ng walong taon at isa siya sa pinakamatandang nahalal na pinuno ng simbahang katoliko.
- Latest