^

Bansa

Dep. Speaker Raymond Mendoza, re-elected national president ng Veterans Sons & Daughters

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling inihalal ng Veterans Federation of the Philippines Sons and Daughters Association, Inc. (VFP-SDAI) si De­puty Speaker at TUCP Party Representative Raymond Democrito Mendoza bilang National President nito, sa idinaos nilang national assembly kamakailan.

Samantala, si Vete­rans Bank’s FVP Miguel Angelo Villa-Real naman ang nahalal bilang National Executive Vice-President ng asosasyon.

Si Mendoza ay anak ng Labor Leader at WWII veteran na si Democrito T. Mendoza habang si Villa-Real ay apo ni da­ting DepEd Usec Andres C. Clemente, na isa ring WWII veteran at naging 2nd Lieutenant sa first Battalion, Infantry, 61st Division ng Philippine Army sa Visayas.

Naitatag noong 1988, ang VFP-SDAI ay isang non-stock, non-profit, non-sectarian corporation at auxiliary unit ng Veterans Federation of the Philippines (VFP). Ito ang National Association ng mga direct descendants ng mga Filipino Veterans mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Binuo ang VFP SDAI upang depensahan ang Karapatan at interes ng mga Filipino Veterans, kabilang ang kanilang mga biyuda at mga naulilang anak.

Sa ngayon, layunin ng grupo na maitatak ang patriyotismo at pagmamahal sa bansa, sa mga miyembro nito at sa publiko, tulad nang ipinakita ng mga kanilang mga beteranong mga magulang, na nakipaglaban para sa kalayaan at demokrasya.

Layunin rin nitong makapagkaloob ng tulong sa negosyo at livelihood training para sa kanilang mga miyembro.

“Our immediate aim right now is to revive the membership of the SDAI which was affected by the pandemic. Now that events and activities are returning to pre-pandemic levels, we can now not only resume but expand our program and projects,” ani National President Mendoza.

“During the pandemic, our activities were severely limited. Nonetheless, we were still able to pass R.A. 11597 or the revised charter of Philippine Veterans Bank (PVB), effectively increasing the Bank’s authorized capital from P100 million to P10 billion, and now allows other vete­rans to own PVB shares as defined by the law. This includes post-war veterans such as Korean & Vietnam War veterans as well as retirees of the Armed Forces of the Philippines (AFP),” aniya pa.

TUCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with