^

Bansa

DOH ayaw patawan Tsina ng 'travel restrictions' dulot ng new COVID-19 surge

James Relativo - Philstar.com
DOH ayaw patawan Tsina ng 'travel restrictions' dulot ng new COVID-19 surge
This picture shows a Covid-19 patient being moved on a wheelchair at Tianjin First Center Hospital in Tianjin on December 28, 2022. Cities across China have struggled with surging infections, a resulting shortage of pharmaceuticals and overflowing hospital wards and crematoriums after Beijing suddenly dismantled its zero-Covid lockdown and testing regime.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Walang plano ang Department of Health (DOH) sumunod sa mga bansang magpapataw ng karagdagang travel restrictions sa mga turista galing Tsina bunsod ng muling pagsipa ng COVID-19 cases sa Asian giant.

Una nang sinabi ng Taiwan ioobliga na nila ang RT-PCR COVID-19 tests sa lahat ng taong manggagaling ng Tsina simula ika-1 ng Enero, 2023.

Ganito rin ang gagawin ng Italya matapos lumabas sa ilang flights na 50% ng travelers mula roon ay nagpositibo sa virus.

"The DOH doesn't think that it required or is needed already to close our borders or have these regulations or restrictions specific to China only because of what's happening in their country," wika ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes, sa isang media forum.

"As I've said before, we are in a much better position currently compared to one or two years ago because most of our citizens are fully-vaccinated already. Most of our citizens have learned that good behavior of practicing minimum health standards."

"So our answer is: Not at this time yet."

Miyerkules lang nang sabihin ni Transportation Secretary na imumungkahi niyang isailalim sa RT-PCR tests ang mga bumabiyahe galing Tsina lalo na't dapat daw "mag-ingat." Ganito raw ang ginagawa ngayon ng Hong Kong.

Sa kabila nito, ipinaalala ni Vergeire na hindi lang iisang ahensya gaya ng Department of Transportation ang dapat magdesisyon dito lalo na't dadaan daw ang pagdedesisyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

"Now, as for our regulations within our borders, we cannot just have our closure and then open it and then close it again and then open it. We are all moving forward because we would like to reach that new normal," dagdag pa ng DOH official.

"It doesn't follow that if some countries near our borders or some... high-income countries would be closing their borders or imposing stricter regulations for China that we should follow because it is the direction of this administration that as much as possible, restrction should be at that minimal where we don't compromise health but you also favor the opening up of economy."

Pagtitiyak niya pa, nade-detect pa rin naman daw ng Pilipinas ang marami pang COVID-19 variants at subvariants gamit ang pinalakas na surveillance systems ng Pilipinas.

Ngayong mas handa na raw ang bansa pati na ang mga ospital, ang magagawa raw ay ang pag-require ng negative COVID-19 antigen tests para sa lahat ng travelers galing ibang bansa na hindi pa bakunado laban sa nakamamatay na virus.

Hihingian lang din sa ngayon ng "E-Arrival card" ang mga biyahero para malaman kung saan sila nanggaling at kung ano ang kanilang vaccination status.

Pagsipa ng COVID-19 cases sa Tsina

Sa datos ng Johns Hopkins University of Medicine, lumalabas na nasa 854,019 ang naitalang COVID-19 cases sa Tsina nitong nakaraang buwan. 18,626 ay naitala lang kahapon.

Umabot na sa 10.16 milyon ang nahahawaan doon ng sakit sabi ng huling mga numero ng World Health Organization, kung saan 31,585 na ang namamatay.

Sa kanila nito, kamakailan lang nang i-relax ang mahigpit na zero-COVID-19 policies sa Tsina kasunod ng mga protesta dahil sa kaliwa't kanang lockdowns, ito habang niluluwagan na ang testing requirements.

Gayunpaman, tumaas ang mga kaso kasunod nito na nakikita ng health experts bilang "potential breeding ground" para sa bagong variants. Kamakailan lang nang sabihin ng Beijing na tatanggalin na nila ang quarantine requirements sa incoming travellers simula ika-8 ng Enero.

Matatandaang nabatikos na noon sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating DOH Secretary Francisco Duque III matapos ang matagal nilang pagdadalawang-isip kung magpapatupad ba ng travel restrictions o ban sa mainland China noong 2020, panahong hindi pa kumakalat ang sakit sa Maynila.

Kasalukuyang nasa 4.06 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang kamalat ang virus. Sa bilang na 'yan, 65,309 na ang namamatay.

CHINA

COVID-19 TESTING

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

TRAVEL BAN

TRAVEL RESTRICTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with