^

Bansa

Patay sa Christmas floods, lumobo sa 25

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Patay sa Christmas floods, lumobo sa 25
This handout photo taken on December 25, 2022 and received on December 26 from the Philippine Coast Guard shows rescuers evacuating people from a flooded area in Ozamiz City, Misamis Occidental.
Handout / Philippine Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 25 katao ang nasawi, 9 ang nasugatan habang 26 pa ang nawawala dahil sa flashfloods bunga ng ‘shear line’ nitong Christmas weekend sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa updated report ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), tatlo pa lang sa nasawi ang kanilang nakumpirma, dalawa rito ay mula sa Eastern Visayas at isa sa Zamboanga Peninsula habang ang 22 narekober na mga bangkay ay isasailalim pa sa pag-validate.

Ayon sa NDRRMC sa 26 kataong nawawala, 12 dito ay mula sa Bicol Region, 11 sa Eastern Visayas, 2 sa Northern Mindanao at isa sa Zamboanga.

Naitala naman sa 102,476 pamilya o 393,069 katao ang naapektuhan, 81,443 dito ang kinakanlong sa mga evacuation centers habang 65,643 ang ­nanuluyan sa mga kaanak at mga kaibigan.

Nasa 1,196 kabahayan ang napinsala habang umaabot sa P63,874,087 ang nasira sa agrikultura habang sa imprastraktura ay P20,879,000.

Iniulat naman ng National Irrigation ­Administration (NIA) na nasa P2,050,000 ang naging pinsala sa irigasyon sa ilang mga apektadong lugar.

Nasa 63 siyudad naman at munisipalidad ang nakaranas ng pagkawala ng supply ng kuryente, 43 dito ay naibalik na. Ang supply ng tubig sa tatlo sa anim na mga naapektuhang lugar ay naibalik na rin.

Una nang idineklara ang state of calamity sa Gingoog City, Misamis Oriental at Llorente, Eastern Samar.

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with