^

Bansa

'Wow, ginto?': Bentahan ng sibuyas aabot na sa P720/kilo

Philstar.com
'Wow, ginto?': Bentahan ng sibuyas aabot na sa P720/kilo
A vendor is seen selling red onions for P500 per kilo at a public market in Marikina City on Tuesday.
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang hiwain nang maraming Pinoy ang sibuyas para maluha — ang kailangan lang, tignan ang presyo nito sa palengke.

Sa price monitoring kasi ng Department of Agriculture, Miyerkules, lumalabas na P500 hanggang P720 kada kilo na ang bentahan ng lokal na pulang sibuyas.

Ganitong-ganito ang presyo ng sibuyas ngayon sa Las Piñas Public Market ayon sa ulat ng GMA News, na siyang nakaobserba ng isang pirasong sibuyas sa P43 na may bigas na 60 gramo. Katumbas na ito ng isang kilong bigas sa maraming pamilihan.

Para sa mga magbabakasakali kung mas mura ang puting sibuyas (lokal), lumalabas namang nasa P600 ito ngayon kada kilo.

"To be reasonable on that and practical — pero mukhang maraming magagalit sa 'kin — e 'di ‘wag tayong bumili ng isang kilo, di ba?" wika ni Rex Estoperez, deputy spokesperson ng DA, sa panayam ng dzBB.

"Kung ano lang ang makakaya nating bilhin, ayun muna."

Malayong-malayo ang presyong ito kumpara sa P170/kilong suggested retail price na itinakda noon ng kagawaran para sa mga palengke sa National Capital Region sa gitna ng pagtaas ng mga presyo, ito kahit na "mas mababa ito dapat" batay sa kanilang cost structure.

Lumabas ang mga datos na ito ilang araw bago ang New Year, kung saan kailangan ang naturang spice sa mga putaheng karaniwang inihahain tuwing Media Noche.

Kamakailan lang nang lumabas sa pag-aaral ng isang global price monitoring website na ang sibuyas na ibinebenta sa Pilipinas ang pinakamahal sa mundo.

Importasyon? Kakulangan ng suplay?

Ika-21 lang ng Disyembre nang masabat ang 50,000 kilo ng "smuggled" na sibuyas matapos ang spot-check sa Mindanao Container Terminal Port, PHIVIDEC Compound, Tagoloan sa Misamis Oriental. Sinasabing nagkakahalaga ito ng P20 milyon at nagmula sa Tsina, habang idinedeklarang "bread and pastry products."

 

 

Martes lang nang sabihin ng DA na hindi nila kinukunsidera sa ngayon na mag-angkat ng dayuhang sibuyas sa kabila ng "problema sa suplay." Inaasahan daw kasi nila ang anihan ng sibuyas ng Enero o Pebrero.

"Tignan natin this coming January and February na harvest season kung talagang ganu'n pa kanipis [ang supply]. Then let’s decide kung ano ang gagawin natin," wika pa ni Estoperez kanina.

"Baka naman doon sa pag-produce natin, tanungin natin ang sarili natin, sapat ba talaga ang ating pino-produce o kailangan nating mag-angkat? Baka may problema rin tayo sa ating mga interventions sa pamahalaan kung bakit ganoon ang produksyon ng sibuyas."

Tinututulan ngayon ng mga progresibong magsasaka ang posibleng importasyon dahil sa magiging epekto nito sa local producers, at sa halip itinutulak ang P10,000 cash aid at P15, 000 production subsidy at pag-abot ng food security at self-sufficiency.

Sumisipa ngayon ang mga presyo matapos pumalo sa 8% ang inflation rate nitong Nobyembre, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa mahigit 14 taon— James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INFLATION

NEW YEAR

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with