^

Bansa

#SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa't kanan pagpalya sa unang araw

James Relativo - Philstar.com
#SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa't kanan pagpalya sa unang araw
This file photo was taken on March 18, 2020 showing a woman checking her phone outside her home in Manila.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Numero unong nag-trend sa social networking site na Twitter ang #SimRegistration sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga subscriber identity module (SIM) card dahil sa bagong batas — kaso, reklamo ang tatambad sa'yo oras na i-check ang hashtag.

Simula ngayong Martes, meron na lang 180 araw ang mga mobile users para irehistro ang kanilang SIM cards upang makaiwas sa "deactivation." Posible ito ma-extend nang hindi lalagpas sa 120 araw, ayon sa Republic Act 11934.

 

 

Dahil sa dami ng nagpaparehistro nang sabay-sabay, bagsak ang mga websites kung saan dapat nagpaparehistro. Ang ilan naman, nire-restrict dahil sa "pag-exceed sa maximum number of attempts" kahit hindi pa dapat.

"#SimRegistration is so fucked up. How about us na walang National IDs? Students who only have School IDs kasi wala pang government IDs??" tanong ng Twitter user na si @cloudy_zj kanina.

"less than 5 steps from doing the whole process paired with a shitty, inaccessible website because server can't keep up with the demand. nothing new, just PH things #SimRegistration," banggit naman ni @H0E4JAEMIN.

Una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang naturang batas, sa layunin daw ng pagsugpo sa "krimen at terorismo na gumagamit ng mga mobile phones."

Gayunpaman, ilang cybersecurity analysts at progresibong grupo na ang pumuna rito dahil sa isyu sa privacy at posibleng paniniktik.

Problema inaasahan sa 'test registration'

Nagpaliwanag naman ang Smart Telecommunications, Inc. patungkol sa nangyayaring aberya, ito habang tinitiyak sa publikong ginagawan na nila ito ng aksyon.

"Due to the high volume of registrants, some subscribers may experience difficulty accessing the SIM registration site," sabi ng communications giant.

"Our technical team is working on increasing capacity. Thank you."

Wala pa namang pampublikong pahayag ang Globe Telecom, DITO Telecommunity at GOMO PH patungkol sa nangyayari. 

Sa kabila nito, sinabi kanina ng DITO na magbibigay sila ng "bonus mobile data" para sa mga matagumpay na makakapagparehistro ng kanilang SIM.

Una nang sinabi ng Department of Information and Communications Technology na posible talagang magkaroon ng problema sa unang dalawang linggo ng 'test registration' ng SIM cards habang fina-"fine tune" ang proseso.

24/7 complaint center

Naglunsad naman ang DICT ng complaint center na maaaring tumanggap ng reklamo ng publiko kaugnay ng pagpaparehistro. Dito, maaari raw nilang iulat ang mga isyung kanilang nararanasan.

Dito, maaari rin daw mnagbigay ang SIM subscribers ng mga mungkahi kung paano pa maaayos ang sistema.

"DICT Secretary Ivan John Uy wants the SIM registration to be done as soon as possible within 180 days, and he wants to ensure that the process will be as seamless as possible," ani DICT spokespeerson at Undersecretary Anna Mae Lamentillo kanina.

"That is why we launched a 24/7 complaint center so that concerns can be reported immediately and acted upon promptly."

 

 

Ang complaint center ay pangangasiwaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, isang attached agency ng DICT. Maaaring ilapit ang mga concerns patungkol sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng hotline na 1326.

Maaaring magparehistro sa mga links na ito ang DITO, Smart, TNT at Globe subscribers. Una nang sinabi ng GOMO na kinukunsidera na nilang nakarehistro ang kanilang subscribers na dati nang gumawa ng account sa kanilang app. Kakailanganin na lang daw nila itong i-update kasama ang valid government ID.

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY

DITO TELECOMMUNITY

GLOBE

MOBILE PHONES

SIM CARD REGISTRATION

SMART

TELECOMMUNICATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with