SWS: 73% Pinoys, umaasang masaya ang Pasko
MANILA, Philippines — Umaasa ang 73 percent ng mga Pinoy na magiging masaya ang pagdiriwang ng kanilang Pasko ngayong 2022.
Base sa nationwide Social Weather Survey na isinagawa nitong December 10-14, mas mataas ito ng 8 points kumpara sa 65% na naitala noong 2021 at mas mababa noong 2020 na 50 percent.
Pero mas mababa ito kumpara bago mag-pandemic na 79% ang nagsabi na umaasa silang magiging masaya ang Pasko noong 2019.
Ngayong 2022, may 7% naman ang nagsabing malungkot ang Pasko habang 19% ang hindi alam kung masaya o hindi ang kanilang Pasko.
Sa parehong survey, 61% ang dadalo sa in-person gatherings kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan habang 38% ay hindi.
Sa mga Pinoy na lalabas ngayong kapaskuhan ay nakapagtala ng 46% at 51% ang mananatili lamang sa bahay.
Mas maraming Pinoy ngayon ang nararamdaman ang mas masayang Pasko kumpara noong nagsisimula ang COVID-19 pandemic noong 2020 nang makapagtala ng 49% ng mga responders ay masaya, 28% na nagsabing pareho lamang tulad ng dati at 21% ang mas masaya noong pre-pandemic times.
Ang percentage na umaasang masaya ngayong Pasko ay tumaas sa lahat ng panig ng bansa, Visayas, 78% mula 68% noong 2021; Mindanao, 75% mula sa 60%; Balance Luzon, 75% mula 67% at Metro Manila, 71% mula 61%.
Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult Filipino mula sa National Capital Region, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
- Latest