^

Bansa

Manila Water, Hand Hygiene Alliance nanawagan sa pagkakaroon ng malinis na kamay ngayong Pasko

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkasamang nanawagan ang Manila Water Foundation at Hand Hygiene Alliance Philippines (HAP!), isang business sector-led group, na suportahan ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng  malinis na mga kamay ngayong Kapaskuhan.

Ito ay nang ilunsad ang  “Clean Hands for Christmas”, na isang panel conversation na tampok ang kahalagahan ng malinis na kamay sa mga paaralan at komunidad.

Napapanahon umano ang hakbang dahil ito ay isang paalala sa lahat ngayong holiday season na kapag sama-samang kumakain, maglakbay, magpunta sa parties at anumang get-together celebration ay dapat na maging malinis ang kamay para makaiwas sa mga sakit lalo pa’t patuloy pa rin ang Covid pandemic.

Ang alliance ay binuo bilang tugon para sa  global Hand Hygiene for All initiative,isang panawagan para sa sama samang pagkilos at magkaroon ng hand hygiene, access sa pasilidad, produkto at  info-educational materials lalo na sa  mga disadvantaged areas at vulnerable communities.

Sa mga nakalipas na taon, ang Manila Water Foundation ay naglaan sa mga paaralan at komunidad ng 550 multi-faucet hand hygiene facilities sa buong bansa, bumuo ng comprehensive hygiene education modules at nanguna sa partnerships sa global at Philippine companies na naglaan ng quality hygiene products.

Ang tamang paghuhugas ng kamay ay napatunayan nang daan para mabawasan ang mga sakit tulad ng diarrhea at respiratory infections na maaaring ikamatay ng isang tao lalo na ng mga bata na may 5 taon pababa.

HAPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with