^

Bansa

PAGASA: 'Shortest day, longest night' ng 2022 mangyayari ngayong araw

Philstar.com
PAGASA: 'Shortest day, longest night' ng 2022 mangyayari ngayong araw
Sa file photo na ito, makikitang nagpapalipad ng saranggola ang ilang bata sa harap ng papalubog nang araw
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Maagang-maaga lulubog ang araw sa Pilipinas ngayong Huwebes kahit "late" na itong sumikat kanina mahigit isang linggo bago magtapos ang taong 2022 — "December Solstice" na kasi, paliwanag ng PAGASA.

Ito ang ibinahagi ng state astronomers patungkol sa kakaibang kaganapan ngayong araw ng Huwebes.

"The December Solstice will be on 22 December at 05:48 AM (PhST)... By then, the Sun will reach its most southerly point in the sky, in Capricornus, at a declination of 23.5° S," wika nila sa inalathalang astronomical diary ng ahensya.

"During the December Solstice, the northern hemisphere will experience the shortest day and longest night, this day also marks the first day of winter."

Bagama't malamig ang temperatura sa northern hemisphere gaya ng sa Pilipinas kasabay ng pag-ihip ng malamig na Hanging Amihan (Northeast Monsoon), ngayong naman nagsisimula ang unang araw ng tag-init (summer) sa southern hemisphere gaya ng Australia.

Matatandaang Hunyo 2022 idineklara ang "June Solstice" sa southern hemisphere o unang araw ng kanilang taglamig o tagyelo — habang ito naman ang pagsisimula ng summer sa northern hemisphere. Ito ang pinakamaiksing araw at pinakamahabang gabi sa naunang bahagi ng planeta.

Kanina lang nang sabihin ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja na tinatayang 6:17 a.m. sumikat ang araw habang "maaga itong lulubog" bandang 5:32 p.m. mamaya.

— James Relativo

DECEMBER

NORTHERN HEMISPHERE

PAGASA

SUN

WINTER SOLSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with