^

Bansa

DFA 'seriously concerned' sa Chinese reclamation sa unoccupied Spratly features

James Relativo - Philstar.com
DFA 'seriously concerned' sa Chinese reclamation sa unoccupied Spratly features
This handout photo taken April 14, 2021, and received from the Philippine Coast Guard (PCG) April 15, a Philippine flag is displayed aboard a coast guard rubber boat as they patrol past Chinese vessels at Whitsun Reef, in the Spratly Islands.
Philippine coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Labis na nababahala ang Pilipinas sa balitang nire-reclaim diumano ng Beijing ang ilang "unoccupied land features" sa pinag-aagawang South China Sea, bagay na paglabag na raw sa 2016 decision ng arbitral tribunal.

Martes kasi nang iulat ng Bloomberg na nagtatayo ng mga imprastruktura ang Tsina sa Lankiam Cay, Eldad Reef, Whitsun Reef at Sandy Cay na pare-parehong inaangkin ng Pilipinas.

"We are seriously concerned as such activities contravene the Declaration of Conduct on the South China Sea's undertaking on self-restraint and the 2016 Arbitral Award," wika ng Department of Foreign Affairs kagabi.

Ibinase ng Bloomberg ang kanilang ulat sa satellite images mula sa Western officials, kung saan makikita raw ang mga unang pagkakataong nagtatayo sila sa mga teritoryong hindi pa nila hawak.

Inatasan na rin daw ng DFA ang iba pang mga ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang insidente. Maliban sa Beijing (na umaangkin sa halos lahat ng naturang resource-rich waterway) at Pilipinas, ilan pa sa claimants nito ang Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.

Hindi kinikilala ng Tsina ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration, na noo'y pumanig sa Maynila pagdating sa claims sa West Philippine Sea, ang parte ng South China Sea sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Lunes (oras sa Amerika) lang nang kundenahin ng Estados Unidos ang "pagdagsa" ng Chinese vessels sa ilang features malapit sa Spratly Islands, bagay na malapit sa probinsya ng Palawan na nasa loob ng EEZ ng bansa.

Una nang sinabi ng Beijing na dapat na lang hayaan ng Amerika ang Pilipinas at Tsina na pag-usapan ang naturang "swarming" issue. Isang linggo pa lang nang maghain ang Maynila ng protesta matapos "sapilitang" agawin ng Chinese coast guard vessel nitong Nobyembre ang debris mula sa kanilang rocket na nakuha ng Philippine Navy.

'100% fake news'

Ni-retweet naman ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang paskil ng SCS Probing Initiative ngayong Miyerkules, bagay na nagpapasinungaling sa artikulo ng Bloomberg.

"100% Fake News. First, of the four features mentioned, Sandbars and formations of Lankiam Cay?Eldad Reef and Whitsun Reef naturally change every year. Second, Sandy Cay is occupied by Vietnam, where how ridiculous to blame China!" wika ng tweet.

Dagdag pa nila, walang land reclamation na nangyayari ngayon sa Lankiam Cay, Eldad Reef at Whitsun Reef. Totoo naman daw na may reclamation na nangyayari sa Sandy Cay, ngunit Vietnam daw ang gumagawa nito at hindi Tsina.

Ang Lankiam Cay ang "pinakamaliit" sa mga naturally occuring Spratly Islands, na siyang ina-administer ng Pilipinas bilang parte ng Kalayaan, Palawan. Ang Whitsun Reef naman, na tinatawag din na Julian Felipe Reef, ay itinuturing din ng Pilipinas na parte ng EEZ nito.

Nangyayari ang lahat ng ito habang sinusubukan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na makipagkaibigan kay Chinese President Xi Jinping at US President Joe Biden. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

CHINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PHILIPPINES

TERRITORIAL DISPUTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with