Senador itinulak 'libreng matrikula' ng mga gusto mag-abogado
MANILA, Philippines — Upang maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga "deserving law students" na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).
Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic Act 10931 o "Universal Access to Quality Tertiary Education Act." Kaso, hindi nito saklaw ang mga nag-aaral para maging abogado dahil sa nakakuha na sila ng undergraduate degree.
"Isa sa mga dahilan ng kawalan ng katarungan para sa marami sa Pilipinas ang kakulangan ng practicing lawyers," wika ng senador sa kanyang explanatory note sa Inggles. Noong
Miyerkules ito pormal na inihain ngunit nabanggit sa isang press release ngayong Martes.
Aniya, layon ng panukalang maging abot-kamay ang hustisiya lalo na sa marginalized sectors. Sa ngayon daw kasi, tinatayang nagsisilbi ang isang abogado sa mahigit 2,500 katao — malayo sa ideyal na ratio na isang lawyer kada 250 katao.
Maraming mag-aaral ng abogasya ang hirap makapagbayad ng matrikula lalo na't inaabot daw ito ng hanggang P98,000 kada semestre sa top legal educational institutions.
Pagdating naman sa mga SUCs, tinatayang aabot ng hanggang sa P30,000 ang kailangang bayaran ng law students. Wala pa riyan ang living expenses atbp. pangangailangan.
"Sa ilalim ng SB No. 1610, covered ng Free Legal Education Board ang ang tuition fees na aprubado ng SUC governing board, gayundin ang bar examination at licensure fees at iba pang mga bayarin ng estudyante sa paaralan," dagdag ng pahayag ni Tulfo kanina.
Plano ng bagitong mambabatas na paramihin ang workforce sa legal profession sa pamamagitan ng pag-oobliga sa mga iskolar na magbigay ng dalawang taong "return service" sa Public Attotney's Office o iba pang government agencies na nagkukulang ng abogado.
- Latest