^

Bansa

Marcos, pinalawig mababang taripa sa agricultural products

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos, pinalawig mababang taripa sa agricultural products
President Ferdinand Marcos Jr. delivered a speech during the signing into law of the P5.268-trillion budget for 2023 at the Malacanang Palace on December 16, 2022.
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabawas sa tariff rates ng mga agricultural products hanggang sa katapusan ng 2023 matapos na i-endorso ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa Executive Order 171 na nilagdaan ni Marcos, layon nito na manatili hanggang Disyembre 31, 2023 ang mababang tariff rates na nakatakda sanang ma-expire sa Disyembre 31, 2022 na inisyu ni dating pangulong Duterte.

Dahil sa nilagdaang extension kaya ang mga inimport na baboy maging fresh, chilled o frozen ay mayroong 15% na buwis para sa in-quota at 25% para sa out-quota, mais na may 5% para sa in-quota at 15% sa out-quota at sa bigas na 35%.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arse­nio Balisacan na layon ng pagpapalawig na magbigay kaluwagan sa mga vulnerable sectors na tinamaan ng high inflation rates.

Ang rekomendasyon ng Board’s Committee on Tariff and Related Matters ay inaprubahan noong Biyernes sa ginanap na NEDA Board meeting na pinangunahan ni Marcos na siyang chairman ng Board.

Base sa rekomendasyon ng board, ang mga binawasang taripa sa baboy, mais at bigas ay muling ibabalik sa kanilang orihinal na halaga matapos ang Disyembre 31, 2023.

Samantala mananatii naman hanggang makalipas ang Disyembre 31, 2023 na walang buwis ang uling.

Umaasa si Balisacan na magiging paborable sa susunod na taon ang kondisyon ng ekonomiya ng bansa dahil na rin sa pagbubukas ng ekonomiya ng China, pagbaba sa pandaigdigang presyo ng langis, easing of aggressive monetary policy tightening, at sustained remittance inflows.

FERDINAND MARCOS JR.

NEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with