Walang banta sa seguridad sa pagkamatay ni Joma – AFP
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang nakikitang banta kasunod ng pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison.
Ayon kay AFP acting spokesperson Colonel Medel Aguilar, wala pa naman silang natatanggap na pagbabanta mula sa CPP-New People’s Army (NPA).
“Sa ngayon, wala naman kaming nakikitang problema or pangamba dahil sa pagkamatay ni Joma,” ani Aguilar.
Sa katunayan aniya, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kasapi at mga supporters.
“Patuloy ding nagbabalik loob ang mga armadong grupo at maging mga supporters nila, ‘yung mass bases and even some members of the underground mass organizations. Ito ay magandang indication,” dagdag pa ni Aguilar.
Naniniwala si Aguilar na posibleng maging susi sa pagkakaisa at pagpapatuloy ng peace talks ang pagkamatay ni Sison.
- Latest