^

Bansa

Mga ospital naka-full alert na vs paputok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga ospital naka-full alert na vs paputok
Sinabi ng ahensya na muli nilang inilulunsad ang “Iwas Paputok campaign” na kasama ang monitoring sa mga ospital para matiyak ang kahandaan ng mga ito sa mga pinsala dulot ng paputok.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inilagay na sa “high-alert status” ng Department of Health (DOH) ang mga pagamutan sa bansa upang malapatan ng lunas ang mga posibleng magtamo ng pinsala at iba pang emergency sa selebrasyon ng darating na Bagong Taon.

Sinabi ng ahensya na muli nilang inilulunsad ang “Iwas Paputok campaign” na kasama ang monitoring sa mga ospital para matiyak ang kahandaan ng mga ito sa mga pinsala dulot ng paputok.

Sa Disyembre 29, bibisitahin ng mga opisyal ng DOH ang Las Piñas Trauma Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, at Amang Rodriguez Medical Center.

Sa Disyembre 31 naman uumpisahan ang pagbisita ng mga opisyal ng Field Implementation and Coordination Team (FICT) sa mga komunidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao para matiyak na ligtas ang gagawing selebrasyon ng iba’t ibang pamilya sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Pinakahuli sa Enero 1, 2023, magsasagawa ang DOH ng media forum at pagbisita sa mga pagamutan sa Baguio City at mga kanugnog na lugar para sa pagtataya ng kabuuang sitwasyon ng naging selebrasyon.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan nang bumili ng mga paputok ngayong bagong taon at magsagawa na lamang ng mga alternatibong uri ng selebrasyon at pampai­ngay na makakaiwas sa kapahamakan tulad ng mga loud speakers, torotot, ma­ging mga kawali at kaldero.

DOH

FIRECRACKER

HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad