^

Bansa

Aneurysm pwedeng maiwasan kung regular magpapa-chekup - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na sumailalim sa regular na medical check-up lalo na kung may history ng hypertension sa kanilang pamilya upang maiwasan ang aneurysm.

“For us to prevent that [aneurysm], we must control the factors we can control, and how do we do that, primary care is our management for this. People should always have themselves checked especially kung meron silang risk for hypertension in their family, kung meron silang unhealthy lifestyle like smoking and all,”ani DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire.

Karamihan din sa mga kaso ng aneurysm sa bansa ay hindi naitatala o naido-dokumentong aneurysm dahil hindi na ito dumaraan sa proseso kapag emergency cases.

“Kasi usually kapag dumating sa ospital it’s already at that late stage, hindi na nakakagawa nung scanning na kailangan,“ ani Vergeire.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng mga ulat na ang mga kaso ng aneurysm ay tumataas at pabata ng pabata ang nasasawi dito.

“Mostly, it would be reported as cerebrovascular incidents and nakikita natin ‘yan sa top leading causes of death dito sa ating bansa,” paliwanag niya.

“So, lumalabas na-stroke ‘yung pasyente pero ‘di nado-document na aneurysm pala ‘yung nangyari and not really stroke.”

Ang aneurysm ay isang kondisyon ng paghina ng mga artery ng isang tao kung saan ang dugo ay dumadaloy palayo sa puso papunta sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nangyayari ito hindi lamang sa utak kundi sa tiyan, puso at binti na ang karaniwang sintomas ay matinding pananakit ng ulo, pagkahilo at pagco-collapse.

“Iyong iba masakit na masakit ‘yung dibdib o tiyan nila and eventually they lose consciousness, dadalhin na sila sa ospital kapag ganyan,” aniya pa.

Makokontrol naman aniya ang aneurysm gaya ng hindi paninigarilyo habang ang controllable factors ay ang hereditary illnesses na dahilan upang humina ang mga vessels ng katawan.

Pinakahuling naiulat na kaso ng aneurysm ay ang dahilan ng pagkamatay ng singer na si Jovit Baldivino, 29.

ANEURYSM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with