^

Bansa

Sapilitang 'ambagan' tuwing Christmas parties ibinawal ng DepEd

James Relativo - Philstar.com
Sapilitang 'ambagan' tuwing Christmas parties ibinawal ng DepEd
Students attend the first day of in-person classes after years-long Covid-19 lockdowns at Pedro Guevara Elementary School in Manila on August 22, 2022.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Papayagan ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalik ng "Christmas parties" sa gitna ng COVID-19 pandemic — ang bawal ay ang sapilitang pagkuha ng ambag mula sa mga estudyante at magulang.

Ito ang ibinahagi ng kagawaran sa inilabas nilang DepEd Order 52 na nilagdaan ni Bise Presidente Sara Duterte-Carpio, na siya ring education secretary, nitong Biyernes.

"All Christmas parties, themes, costumes, decoration and exchange gifts are voluntary. No learner or DepEd personnel should be forced to contribute, participate or use their money for the celebration," ayon sa kauutsan.

"No learner shall be excluded from joining the Christmas celebration by reason of their failure to give the voluntary contribution or absence of a prepared gift."

Ayon sa kagawaran, dapat daw ay maging "practicable" ang mga mangyayaring pagdiriwang sa mga eskwelahan at DepEd offices, at kung mangyayari simple.

Hindi raw maaaring magresulta ang mga nasabing party sa malaking pasanin ng mga magulang, estudyante at DepEd personnel.

"Old Christmas decors should be recycled, purchase of new decors are not encouraged," dagdag pa ng order.

"No learner or DepEd personnel will be required to make decors specifically for a party."

Maaaring ikasa ang mga nasabing party tuwing class hours basta't hindi raw ito nakagagambala sa scheduled lesson plans para sa mga bata.

Pinaalalahanan din ang mga kawani ng DepEd na ang solicitations, o pagkuha ng ambag, ay hindi pinahihintulutan para sa mga holiday celebrations — mapa-cash man o "in kind."

Ang mga pribadong paaralan, community learning centers at state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) ay may kalayaang i-adopt ang mga naturang probisyon kung kanilang pipiliin para sa mga Christmas parties at celebrations.

Inilabas ang mga nasabing guidelines matapos ipagbawal ang ang mga pagtitipon at harapang mga klase noong 2020 at 2021 kaugnay ng pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong pinapayagan na ang hindi pagsusuot ng face masks sa loob o labas ng mga classroom.

CHRISTMAS PARTY

DEPARTMENT OF EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with