^

Bansa

Christmas parties, reunions gawing outdoor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Christmas parties, reunions gawing outdoor
Visitors enjoyed taking pictures with the colorful dancing fountain and glistening Christmas decorations around Rizal Park in Manila on November 28, 2022.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Muling nananawagan ang mga doktor na mi­yembro ng Philippine Medical Association (PMA) sa publiko na gawin na lamang sa “outdoors” o “open spaces” ang mga planong Christmas parties o mga reunions ngayong Disyembre para makatiyak na hindi muling kakalat ang COVID-19.

Sinabi ni PMA president Dr. Benito Atienza na malaking tulong umano ang maayos na daloy ng hangin para hindi magkahawahan ng virus ang mga dumadalo sa mga parties na inaasahan na mas lalong magiging kabi-kabila dahil sa pagluluwag ng mga restriksyon.

Pinayuhan din niya ang mga organizer na huwag nang gawing buffet ang sistema ng pagkain at sa halip ay indibiduwal na ibibigay ang pagkain sa mga party-goer.

Umapela rin siya sa mga hotels at iba pang venues na hikayatin ang kanilang guest na magsuot palagi ng face mask at aalisin lamang kapag sila ay kakain.  Bukod dito, dapat may distansya ang seating arrangement.

Nananawagan din siya sa mga magulang na huwag nang isama ang mga anak na apat na taong gulang pababa dahil sa wala pa silang bakuna kontra sa virus.

Dapat na maghinay-hinay rin umano sa pagpunta sa mga malls at matataong lugar ang mga tao na wala pang bakuna kasama ang kanilang mga anak na hindi pa rin nababakunahan.

CHRISTMAS PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with