Paggamit ng mga antibiotic na walang reseta, talamak
MANILA, Philippines — Nakatutok ngayon ang Department of Health (DOH) sa paglaban sa “anti-microbial resistance (AMR)” o ang epekto ng talamak na paggamit ng antibiotics na walang tamang preskripsyon mula sa doktor na dahilan din umano ng mas matinding banta sa kalusugan.
Nagsanib puwersa ang DOH, World Health Organization at mga medical practitioners sa pagsusulong ng paglaban sa AMR ngayong selebrasyon ng Philippine Antimicrobial Awareness Week 2022.
Ayon sa DOH, tumaas ang insidente ng pag-inom ng mga antimicrobial drugs na walang tamang paggabay ng mga doktor nitong kasagsagan ng pandemya dahil sa ginagawang “self-medication” laban sa COVID-19.
Noong 2014, bumuo na ang gobyerno ng Inter- Agency Committee on Antimicrobial Resistance para labanan ang antimicrobial resistance ngunit kailangan umano ng mas masusing pagpapatupad nito.
Umaasa naman ang Food and Drugs Administration na aaksyunan na ng Kongreso ang nakabinbin na panukalang batas na naglilipat sa Department of Agriculture ang pagbibigay ng prescription ng mga gamot sa hayop para mabantayan ang isyu ng antimicrobial sa hayop.
- Latest