Marcos, ilalatag kay Pres. Xi, sitwasyon sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit in Thailand para pag-usapan ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Marcos, kabilang sa kanyang “top agenda”kapag nagharap sila ni Xi ay ang bilateral meeting sa WPS na umano’y imposible na hindi niya mabanggit sa China.
Matatandaan na sa 25th ASEAN-China Summit sa Cambodia, ay isinulong ng Pangulo ang pag-apruba sa code of conduct na siyang magiging gabay sa mga nang-aangkin sa South China Sea para mabawasan ang panganib ng tunggalian sa mga umaangkin dito.
Nauna naman inanunsiyo ng Malakanyang na magsasagawa ng State visit sa China si Marcos sa Enero 3 hanggang 5 o 6 base na rin sa imbitasyon ni Xi.
- Latest