^

Bansa

P25/kilo ng bigas, lumarga na sa ‘Kadiwa’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P25/kilo ng bigas, lumarga na sa ‘Kadiwa’
People shop for locally produced goods and other food items at the “Kadiwa ng Pasko” held in Barangay Addition Hills, Mandaluyong City on Wednesday (November 16, 2022).
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Makakabili na ng bigas sa P25 kada kilo sa mga Kadiwa ng Pasko stalls na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa Kadiwa ng Pasko project na inilunsad sa Mandaluyong City, sinabi ng Pangulo na proyekto ito ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka at mga mamimili.

Bukod sa murang bigas, mabibili rin sa mga Kadiwa ng Pasko stalls ang mga murang gulay at iba pang pagkain.

Malapit na rin umanong magkatotoo ang ipinangako ni Marcos noong kampanya na P20 pero kilo na bigas.

“Palapit na tayo doon sa aking pangarap na mag-20 pesos pero dahan-dahan lang. Aabutin din natin ‘yan pero ma­rami pa tayong gagawin. Eh ang dami pang nangyayari. At wala naman tayong magawa dahil ‘yung pagtaas ng presyo ng bilihin ay hindi naman nanggaling sa ekonomiya natin, nanggaling ‘yan sa mga pangyayari sa iba’t ibang lugar na hindi naman natin makontrol,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaan na noong panahon ng ka­mpanya, nangako ang Pangulo na ibababa niya sa P20 ang presyo ng bigas kada kilo.

Labing apat na Kadiwa ng Pasko ang sabay sabay na binuksan kahapon. Labing isa sa National Capital Region, isa sa Tacloban City, isa sa Davao De Oro, at isa Koronadal City, South Cotabato.

Si Pangulong Marcos ang nagbukas ng Kadiwa ng Pasko sa Mandaluyong City.

Si First Lady Liza Marcos naman ang nagbukas ng Kadiwa ng Pasko sa Parañaque City.

Ang panganay na anak ng Pangulo na si Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos ay tinungo ang Kadiwa ng Pasko stalls sa Quezon City habang ang anak na si Simon ay nagtungo sa San Juan.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with