^

Bansa

Year-end bonus, cash gift ng government employees ibibigay na simula ngayon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula ngayong Nobyembre 15, 2022 ay tatanggap na ng year-end bonus at cash gift ang mga kuwalipikadong empleyado ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

“The release of the year-end bonus and cash gift is provided naman po under our GAA (General Appropriarions Act) for this year. For sure, many of our fellow government workers have been looking forward to this. We wish to remind our fellow government workers to budget and spend wisely, as what we would always promote here at the DBM,” ani DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay noong Oktubre 31 at ang cash gift na P5,000 ay ibibigay sa mga kwalipikadong tauhan ng gobyerno nang hindi mas maaga sa Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon.

Ang year-end bonus at cash gift ay ibibigay sa mga kwalipikadong tauhan na ang serbisyo ay hindi bababa sa kabuuan o pinagsama-samang apat (4) na buwan ng serbisyo mula Enero 1 hanggang Oktubre 31 ng kasalukuyang taon, at ang mga tauhan ay nananati­ling nasa serbisyo ng gobyerno simula Oktubre 31 ng parehong taon.

CASH GIFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with