Teenage pregnancies, bumaba
MANILA, Philippines — Bumaba sa 6.8 percent nitong 2021 ang nabubuntis na mga kabataan mula sa dating 13.7 percent noong 2013.
Ayon kay Executive Director Lolito Tacardon ng Commission on Population and Development (POPCOM), ang pandemic ang isang dahilan ng pagbaba ng teenage pregnancies na naitala sa bansa.
“While the study was conducted during the pandemic, the reduction in teenage pregnancy numbers implies that young people can make informed and responsible decisions about their sexuality, given an enabling environment,” sabi ni Tacardon.
Pabor din ito sa ulat na ang pagbaba ng teenage pregnancies ay dahil sa pagbaba ng premarital sex engagement, at maging ang pinahusay na paggamit ng contraceptives.
Gayunman, sinabi ni Tacardon na ang COVID-19 pandemic ay nakapagpakita ng extraordinary circumstances nang ang mga kabataan ay napilitan na manatili ng ilang buwan sa loob ng kanilang tahanan at nilimitahan ng gobyerno ang kanilang galaw matapos na magpatupad ng lockdowns dahilan na rin upang maging limitado ang mga itong makisalamuha sa ibang tao.
Sa datos, ang Davao ay nakapagtala ng 13.6% teenage pregnancies habang ang Bangsamoro Regions naman ay mayroong 10%.
“We should not let our guards down, as they gradually return to their normal activities. It should give us more resolve to strengthen and sustain our efforts in providing age-appropriate comprehensive sexuality education and information, as well as access to reproductive health services among adolescents, which we deem will sustain, or further accelerate, the decline in adolescent pregnancy percentages,” sabi pa ni Tacardon.
Hinikayat naman nito ang mga local chief executives na paigtingin ang pagsubaybay, pagbabantay at mga programa upang makaiwas ang mga kabataan sa maagang pagbubuntis.
- Latest