^

Bansa

'Heterosexual rights' bill inihain sa Kamara sa gitna ng LGBTQ discrimination

James Relativo - Philstar.com
'Heterosexual rights' bill inihain sa Kamara sa gitna ng LGBTQ discrimination
Members of the LGBT community take part in the Metro Manila Pride March at the Cultural Center of the Philippines grounds in Pasay, Metro Manila on June 25, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Inihain ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang House Bill 5717 sa layuning protektahan ang "karapatan ng heterosexuals" — ito  kahit laganap ang diskriminasyon at karahasan sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender, queer atbp. sa Pilipinas.

Sa panukalang inihain nitong ika-26 ng Oktubre, na siyang naisapubliko lang ngayong linggo, ipinipilit ni Abante na "tanging lalaki at babae lang ang kasariang ginawa ng Diyos" habang binabanatan ang mga panukalang nais protektahan ang LGBTQ laban sa diskriminasyon.

"Bills are now before us that smacks God's laws and standards, particularly on creation, human dignity and morals. These bills not only recognize, but worse, promote and give reward to 'genders' not created by God," sabi ni Abante sa kanyang explanatory note.

"If, therefore, we seek to 'grant' and/or 'protect' rights to homosexuals, bisexuals, transgenders and queers, in the spirit of jusice, equity and fair play, we must also 'grant' and/or 'protect' rights to heterosexuals who are the actual and direct creations of God, as the Bible says."

Kinikilala ng Pilipinas ang pagkakahiwalay ng simbahan at ng estado at walang state religion sa bansa.

Sa ilalim HB 5717, iginigiit na dapat kilalanin, protektahan at tiyakin ang kalayaan ng mga lalaki at babaeng heterosexual na magpahayag at kumilos patungkol sa pananaw nila sa mga LGBTQ alinsunod sa itinuturo ng kanilang relihiyon.

Dahil diyan, magagarantiyahan pati ang kalayaang kumilos o magpahayag kontra sa mga LGBTQ sa ngalan ng pagprotekta sa freedom of religion, speech, at "equal protection of the laws" na nakasaad sa ilalim ng 1987 Constitution.

Ito ay kahit na hindi lahat ng mga Pilipino ay Kristiyano o may relihiyon, habang merong paghihiwalay ang Simbahan at estado alinsunod sa Saligang Batas (Article II, Section 6).

"Heterosexuals should be respected and protected of their right to live and act as God created them to be and to freely proclaim God's truths, principles and standards even concerning genders and gender identities and expressions outside of God's creation," sabi pa ni Abante.

Kulong, P500,000 parusa sa lalabag

Kung maisasabatas, ipagbabawal ng HB 5717 ang "pangingialam" o "pagpigil" sa karapatan ng heterosexuals na magpahayag o kumilos alinsunod sa itinuturo ng kanilang relihiyon patungkol sa mga homosexuals, bisexuals, transgenders at queers sa loob ng kanilang mga simbahan, negosyo, eskwelahan at trabaho.
Ipagbabawal din tangkain ito. 

Sa kabila niyan, pagbabawalan din ang pananakot (direkta man o hindi) habang isinasagawa habang ine-exercise ang kanilang mga karapatan.

"Any person who shall violate any of the provisions of this Act shall, upon conviction, be penalized with imprisonment of five (5) years and one (1) day to seven (7) years and one (1) day," sabi ng panukala.

"[There's also] a fine of not less than One Hundred Thousand Pesos (P100,000.00) nor more than Two Hundred Thousand Pesos (Php500,000.00)."

Idi-dismiss sa trabaho at habambuhay na babawalang humawak ng posisyon sa gobyerno ang mga lalabag, maliban pa sa pagbawi ng monetary benefits nila.

'Kabastusan vs pagkakapantay-pantay'

Kinastigo naman ng grupong Bahaghari ang panukala ni Abante, lalo na't sasagka raw ito sa tunay na pagkakapantay-pantay.  Paliwanag pa ni Reyna Valmores-Salinas, chairperson ng grupo, hindi lang LGBTQIA+ ang pinoprotektahan ng SOGIESC Equality Bill o ang Anti-Discrimination Bill. 

Aniya, layunin nito ang pantay-pantay na pagtrato sa lahat kahit ano pa ang sexual orientation, gender identity, gender expression, and sex characteristics habang iniaangat ang madalas idiskrimina.

"REALITY PO YUN na it is overwhelmingly women and LGBTQIA+ persons who are persecuted in a patriarchal, macho society like ours," ani Valmores sa isang paskil.

"Kaya wala pong pakinabang ang isang batas na 'for heterosexuals,' considering na heterosexual o straight ang matagal nang tinitingnan bilang 'normal.'"

"This so-called ‘Heterosexual Act’ is, quite frankly, a joke of a law. Batay sa wording ng author nito, it has been clearly drafted as a mockery of those advocating for gender equality."

 

 

Sayang lang daw sa rekurso at oras ang panukala ni Abante gayong pwedeng ilaan na lang daw ito upang mapigilan ang kinakaharap na karahasan ng ilan.

Marami na ang nakararanas ng gender-based discrimination at violence sa Pilipinas, gaya na lang ng pagpapaalis sa mga establisyamento, hindi pagpapagamit ng mga banyo. Ang ilan, pinapatay pa dahil sa sila'y miyembro ng LGBTQ community.

BAHAGHARI

BENNY ABANTE

DISCRIMINATION

LGBT RIGHTS

SOGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with