^

Bansa

Pinsala ni Paeng sa agrikultura, P3.16 bilyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinsala ni Paeng sa agrikultura, P3.16 bilyon
An aerial view shows flood-inundated houses at Capitol Hills in Alibagu, Ilagan city, Isabela province on October 31, 2022, after Tropical Storm Nalgae hit the region.
STR / AFP

MANILA, Philippines — Umabot na sa P3.16 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa bagyong Paeng.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang mga magsasaka sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen regions ang labis na naapektuhan ng natu­rang bagyo.

Nasa 197,811 metri­kong tonelada naman ng produktong agrikultura ang nasira samantalang nasa 84,677 ektaryang agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa mga pananim na nasira ng bagyo ang palay, mais, high value crops, fisheries, livestock at poultry.

May mga nasira rin na agricultural infrastructures, machineries at equipment.

Ayon sa DA, mayroong P1.74 bilyong halaga ng binhi ng palay, P11.5 mil­yong halaga ng buto ng mais at P20 milyong halaga ng ibat ibang klase ng gulay ang ipamimigay sa mga magsasaka.

Mayroon ding P176,000 halaga ng animal heads, drugs at biologics ang ipamamahagi sa mga apektado sa livestock at poultry.

Mamimigay din ang Bureau of Fishiries and Aquatic Resources ng fingerlings at iba pang uri ng assistance.

Mayroong nakalaan na P400 milyong pondo para sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kung saan maaring mag-loan ang mga magsasaka ng hanggang P25,000 at maaring bayaran ito ng hanggang tatlong taon at walang interes.

Pinapayuhan ang mga apektadong mga magsasaka na makipag-ugnayan sa Department of Agriculture para makakuha ng ayuda.

vuukle comment

TYPHOON PAENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with