^

Bansa

Inflation sa bansa nag-umapaw sa 7.7%, pinakataas simula Disyembre 2008

James Relativo - Philstar.com
Inflation sa bansa nag-umapaw sa 7.7%, pinakataas simula Disyembre 2008
A man pushes a goods cart through a crowded market in Manila on September 21, 2022. The Asian Development Bank on September 21 cut its 2022 growth forecast for developing Asia, with crippling Covid-19 lockdowns in China, conflict in Ukraine and efforts to combat inflation dragging on the region.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines (Updated, 1:30 p.m.) — Umabot na sa 7.7% ang "headline inflation" sa Pilipinas ngayong Oktubre 2022, ang pinakamabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin simula pa Disyembre 2008 o halos 14 taon — bagay na labis naapektuhan ng pagsirit ng halaga ng pagkain matapos ang bagyong "Karding.”

Ito ang ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes, ito matapos itaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umabot sa 7.1% hanggang 7.9% ang inflation nakaraang buwan.

"The headline inflation in the Philippines continued its uptrend as it moved up further to 7.7 percent in October 2022, from 6.9 percent in September 2022," balita ng ahensya kanina.

"This is the highest recorded inflation since December 2008."

Pangunahing dahilan dito ang mas mataas na annual growth rate sa index ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin sa 9.4%, mula sa 7.4% nitong Setyembre.

 

Pangunahing dahilan dito ang mas mataas na annual growth rate sa index ng pagkain at hindi nakalalasing na inumin sa 9.4%, mula sa 7.4% nitong Setyembre.

  • gulay, tubers, atbp. (16.0%)
  • karne atbp (11.5%)
  • asukal, confectionery at desserts (34.4%)

Dahil dito, 5.4% ang average inflation rate mula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon. Sa National Capital Region, mataas talaga ang itinaas ng inflation sa presyo ng gulay dahil sa epekto ng nagdaang bagyong "Karding," maliban pa sa pagtaas ng pamahase sa jeep.

"Food ang nag-push talaga sa inflation rate," ani National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa sa isang press conference kanina.

"Bilang isang mamimili, I wish ito na 'yung peak [ng inflation]. But of course as your national statistician... medyo may push tayo rito sa food prices... 'Yung recent typhoon ay hindi makatutulong."

"Substantial probability na maaari pang tumaas [ang inflation]... itong buwan ng Nobyembre."

Simula nang maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., buwan-buwang tumataas ang presyo ng bilihin. Bumaba lang ang porsyento ng pagtaas nang isang beses noong Agosto.

'Dahil sa kawalan ng kongkretong polisiya'

Iniuugnay ng grupo ng mga mangingisda na  Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa aniya'y kawalan ng kongkretong plano laban sa krisis pang-ekonomiya ang panibagong pagbilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na't si Bongbong ang nangunguna sa ngayon sa Department of Agriculture.

"Being a concurrent head of the Department of Agriculture (DA), Marcos Jr. is accountable over the staggering prices of agri-fisheries commodities caused by high cost of production," ani Fernando Hicap, tagapangulo ng PAMALAKAYA.

"There are still no remarkable agricultural measures to address this burdening economic crisis, particularly the cumulative oil price hikes that trigger unemployment in the fishing sector."

Ilan sa inilalakong solusyon ng grupo ang pagprotekta sa lokal na industriya ng pangingisda at pagpapalakas ng domestic production sa agrikultura.

Kabilang na riyan ang pagbibigay ng ayuda sa kabuhayan gaya ng P15,000 production subsidy na katumbas na raw ng dalawang buwan fuel expenses ng mga mangingisda.

Magandang talikuran na rin daw ang direksyon ng importasyon at liberalisasyon na nakapapaminsala sa lokal na industriya lalo na't sunud-sunod ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Ang pag-asa raw sa imports sa gitna ng peso devaluation ay nagpapataas din daw kasi sa presyo ng imported agricultural commodities gaya ng petrolyo at fertilizer, na siyang dumudulo sa mataas na halaga ng bilihin.

"This drastic shift in economic policies only takes the current administration’s political will to strengthen our local economy and productive force," panapos ni Hicap.

ECONOMY

INFLATION

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with