^

Bansa

Full face to face classes sa public schools, simula na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Full face to face classes sa public schools, simula na!
Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na habang hindi pa naaa­yos ang mga naturang public schools na naapektuhan ng bagyo ay magdaraos muna ang mga estudyante doon ng alternative delivery mode of learning.
Philstar.com / Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Simula na ngayong araw, Nobyembre 2, ang pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito, ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ay maliban na lamang sa mga paaralang napinsala ng bagyong Paeng kamakailan, gayundin ang mga ginagamit pang evacuation center ng mga evacuees.

Sinabi ni Poa na habang hindi pa naaa­yos ang mga naturang public schools na naapektuhan ng bagyo ay magdaraos muna ang mga estudyante doon ng alternative delivery mode of learning.

Exempted rin muna sa full face-to-face classes habang hindi pa naaayos ang kanilang mga pasilidad.

Ani Poa, sa ilalim ng naturang pamamaraan, bibigyan ng mo­dules ang mga estud­yante na sasagutan nila sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa sandali naman aniyang maayos na ang mga paaralang nasira ng bagyo ay ipagpapatuloy na rin ang mandatory in-person classes doon.

“Para diyan sa mga affected schools natin, tayo ay magkakaroon muna ng tinatawag natin na alternative deli­very mode kung saan pasasagutan muna natin ng mga modules sa bahay ang ating mga bata. In a way, blended learning po siya kasi once na maayos ang kanilang paaralan, ay babalik na po sa mandatory in-person,” ayon kay Poa.

Matatandaang alinsunod sa DepEd Order (DO) No. 34, na nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, ang lahat ng public at private schools ay kinakaila­ngang nagdaraos na ng full face-to-face classes simula sa Nobyembre 2.

Kamakailan naman ay inilabas ni Duterte ang DO No. 44, na nagpapahintulot sa mga pribadong paaralan na magpatuloy ng blended learning modality, full distance learning o full face-to-face classes simula ngayong araw.

MICHAEL POA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with