Signal no. 1 posible sa CARAGA, Eastern Visayas mamaya dahil kay 'Queenie'
MANILA, Philippines — Kumikilos pakanluran sa ibabaw ng Philippine Sea sa silangan ng Mindanao ang Tropical Storm Queenie ayon sa PAGASA — ito kahit hindi pa nakababangon ang bansa mula sa pananalasa ng huling bagyong "Paeng."
Namataan ang sentro ng bagyong "Queenie" sa layong 490 kilometro silangan ng Davao City, sabi ng pinakahuling tala ng state weather bureau.
- Bilis ng hangin: 65 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 80 kilometro kada oras
- Pagkilos: 20 kilometro kada oras
- Bilis: pakanluran
"Despite the weakening scenario within the forecast period, the hoisting of Tropical Cyclone Wind Signals is not ruled out over the eastern portion of Caraga and in some areas in Eastern Visayas today," wika pa ng PAGASA kanina.
"Per latest track and intensity forecast, the highest wind signal that will likely be hoisted is Wind Signal No. 1."
Ngayong gabi hanggang bukas, maaaring makatikim ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.
Mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan namang nakikita sa Eastern Visayas, Davao Oriental at nalalabing bahagi ng Rehiyon ng CARAGA.
Sa forecast, nakikitang kikilos pakanliuran hilagangkanluran patungong hilagangkanluran ang bagyong "Queenie" bago pumihit pahilaga hilagangkanluran sa Huwebes habang nasa dagat ng CARAGA-Davao Region.
"It may weaken into a tropical depression today due to increasingly unfavorable conditions," sabi pa nila.
Nagbabanta ang naturang tropical storm sa Pilipinas ilang araw lang matapos pumatay ng lagpas 100 katao at sumugat nang marami pa dulot ng bagyong "Paeng."
- Latest