^

Bansa

'Paeng' magiging severe tropical storm sa loob ng 24 oras — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
'Paeng' magiging severe tropical storm sa loob ng 24 oras — PAGASA
Naobserbahan ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa huling taya ng PAGASA bandang 10 a.m., Biyernes.
Released / PAGASA

MANILA, Philippines (Updated 11:53 a.m.) — Lalo pang bumilis habang tumatawid pakanluran hilagangkanluran ang bagyong "Paeng" habang napanatili ang lakas nito — ito habang nasa ilalim pa rin ng Signal no. 2 ang 13 lugar sa Luzon at Visayas.

Naobserbahan ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa huling taya ng PAGASA bandang 10 a.m., Biyernes.

  • Lakas ng hangin: 75 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 90 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 25 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran

"Today through tomorrow early morning: Heavy to intense with at times torrential rains likely over Bicol Region and Eastern Visayas," ayon sa pahayag ng state weather bureau.

"Moderate to heavy with at times intense rains over Quezon, MIMAROPA, Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao and the rest of Visayas. Light to moderate with at times heavy rains possible over Metro Manila, Cagayan Valley, Aurora and the rest of CALABARZON and Mindanao."

Signal no. 2 (gale-force strength winds)

  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • gitna at timog bahagi ng Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco)
  • Marinduque
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • hilagangsilangang bahagi ng Leyte (Tacloban City, Babatngon, San Miguel, Barugo)
  • Biliran

Signal no. 1 (strong winds)

  • Metro Manila
  • Bataan
  • Pampanga
  • Bulacan
  • timogsilangang bahagi ng Tarlac (Concepcion, La Paz)
  • gitna at timog bahagi ng Nueva Ecija (City of Gapan, San Leonardo, Santo Domingo, Rizal, San Isidro, Laur, Zaragoza, Llanera, Aliaga, Palayan City, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Quezon, San Antonio, General Tinio, Santa Rosa, Pe, Jaen, Licab, Bongabon, Cabiao, Talavera)
  • katimugang bahagi ng Aurora (Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler)
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Rizal
  • nalalabing bahagi ng Quezon kasama ang Pollilo Islands
  • Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands
  • Oriental Mindoro
  • Romblon
  • Calamian Islands
  • nalalabing bahagi ng Leyte
  • Southern Leyte
  • hilaga at gitnang bahagi ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon, Tabuelan, Sogod, Catmon, Tuburan, Carmen, Danao City, Asturias, Balamban, Compostela, Liloan, Cebu City, Mandaue City, Consolacion, Toledo City, City of Talisay, City of Naga, Pinamungahan, Minglanilla, Aloguinsan, San Fernando, City of Carcar, Barili, Sibonga, Dumanjug, Argao, Alcantara, Moalboal, Ronda, Badian, Dalaguete, Lapu-Lapu City, Cordova) kasama ang Bantayan at Camotes Islands
  • Bohol
  • hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental (Sagay City, Cadiz City, City of Escalante, Manapla, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Silay City, City of Talisay, Murcia, Bacolod City, Bago City, Pulupandan, Valladolid, La Carlota City, La Castellana, San Enrique, Pontevedra, Hinigaran, Moises Padilla, Isabela, San Carlos City, Salvador Benedicto, Calatrava, Toboso, Binalbagan, City of Himamaylan)
  • hilagang bahagi ng Negros Oriental (City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City, La Libertad, Jimalalud, Tayasan)
  • Guimaras
  • Aklan
  • hilaga at gitnang bahagi ng Antique (Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, Laua-An, Bugasong, Valderrama, Patnongon, San Remigio, Caluya Islands)
  • Capiz
  • hilaga at gitnang bahagi ng Iloilo (Calinog, New Lucena, Maasin, Estancia, Batad, Oton, Concepcion, Pavia, Duelas, Balasan, Barotac Nuevo, Ajuy, Iloilo City, Anilao, San Dionisio, San Miguel, Mina, Santa Barbara, Barotac Viejo, Leganes, Carles, Dingle, Zarraga, Bingawan, Cabatuan, Alimodian, Dumangas, San Rafael, San Enrique, Badiangan, Banate, City of Passi, Pototan, Lambunao, Lemery, Sara, Janiuay, Leon, Tigbauan, Tubungan, Igbaras, Guimbal)
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands
  • hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait)
  • hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago)

"Per latest track and intensity forecast, the highest wind signal that will likely be hoisted is Wind Signal No. 3 in anticipation of storm-force conditions associated with PAENG," sabi ng PAGASA.

"The surge of the Northeast Monsoon enhanced will also bring strong winds with gusts reaching gale-force strength over Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Provinces, the northern and eastern portions of mainland Cagayan, the eastern portions of Isabela and the northern portion of Apayao."

Posibleng mag-landfall o lumapit nang husto ang bagyong "Paeng" sa Catanduanes ng Sabado ng umaga. Matapos nito, pwede uli itong sumalpok sa kalupaan ng Aurora o silangang baybayin ng Quezon (kasama ang Polilio Islands) sa Linggo ng umaga.

Tinatayang lalo pang lalakas ang sama ng panahon sa pagkilos nito sa mainit na tubig ng Philippine Sea at maaaring maging severe tropical storm sa loob ng 24 oras.

Dahil sa landfall scenario sa Bicol Region, bumababa ang tiyansa na umabot ito sa pagiging typhoon.

CATANDUANES

LANDFALL

PAENG

PAGASA

TROPICAL STORM

TYPHOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with