'Paeng' ganap nang tropical storm; 6 lugar inilagay sa Signal no. 1

MANILA, Philippines (Updated 12:22 p.m.) — Lalo pang lumakas ang bagyong "Paeng" pa-tropical storm category, dahilan para itaas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mas maraming lugar.

Natagpuan ang mata ng bagyo 540 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa huling pagtataya ng PAGASA ngayong Huwebes, bandang 10 a.m.

  • Lakas ng hangin: 65 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 80 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 19 kilometro kada oras
  • Direksyon: pakanluran timogkanluran

"Tomorrow early morning through evening: Moderate to heavy with at times intense rains likely over Bicol Region, Eastern Visayas," sabi ng state weather bureau sa isang pahayag kanina.

"Light to moderate with at times heavy rains possible over MIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora and the rest of Visayas."

Signal no. 1

  • Catanduanes
  • silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu)
  • silangang bahagi ng Sorsogon (Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon)
  • Eastern Samar
  • Northern Samar
  • Samar

Malalakas na hangin ang inaasahan sa mga sumusunod sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal no. 1 sa buong pagtawid ng bagyong Paeng. Ang pinakamataas na nakikitang TCWS na maaaring itaas dahil sa bagyo ay Signal no. 4.

Bandang 8 a.m. nang lumakas ang bagyong "Paeng" patungong tropical storm category. Tinatayang magiging severe tropical storm ito sa loob ng 24 oras at maaaring maging typhoon pagsapit ng Sabado.

"On the forecast track, PAENG may pass close to Catanduanes on Saturday and a landfall scenario is possible on Sunday within any of the coastal areas along the eastern portions of Central Luzon or mainland Cagayan Valley," dagdag pa ng PAGASA.

"Considering recent shifts in the forecast track, a possible southward shift in the possible area of landfall (i.e., towards the eastern portion of Southern Luzon) is not ruled out at this time."

Show comments