Ret. Gen. Cascolan dumipensa
MANILA, Philippines — Dumipensa si dating PNP chief ret. Gen. Camilo Cascolan sa mga batikos laban sa pagkakatalaga sa kaniya bilang bagong Undersecretary ng Department of Health (DOH).
Ipinaliwanag ni Cascolan na ang pangangalaga sa kalusugan ng sambayanan ay hindi lamang tungkol sa kaalaman sa medisina.
“Managing health is not just about medical knowledge. There are many doctors in the institution but balancing science and management and strategy is very important,” saad ni Cascolan.
Iginiit ng retiradong heneral na siya ang bumuo ng konsepto ng COVID-19 task force at pinamunuan ang administrative support nito.
Ipinaalala pa ng opisyal na binuo niya ang medical reserve force sa PNP na nangasiwa sa RT-PCR testing centers sa ilang mega quarantine facilities sa panahon ng lockdown.
“I started COVID protocols in the initial stage when everybody was in a quandary...Yes, let the people know that,” dagdag ni Cascolan.
Naniniwala ang dating PNP chief na sapat ang kanyang karanasan sa administration, management at strategic planning upang kanyang gampanan ang tungkulin sa DOH bukod pa ito sa kanyang expertise sa emergency response at pakikipagtulungan sa local government units.
“Being a devolved service, my experience on the ground and working with LGUs is also a factor that can bring the department closer to the people,” diin ni Cascolan.
- Latest