^

Bansa

P583 milyong agrikultura sinalanta ni Maymay, Neneng

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P583 milyong agrikultura sinalanta ni Maymay, Neneng
Makikitang gumuho ang kalsadang ito kasabay ng pag-agos ng baha sa bayan ng Adams, Ilocos Norte.
Mula sa Facebook page ni Adrian Domingo Dupagen

MANILA, Philippines — Umabot na sa P583.45 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa mga Bagyong Mamay at Neneng.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 21,324 mga magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Cagayan Valley ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 36,872 metrikong tonelada naman ang production loss habang nasa 21, 986 ektaryang sakahan ang nasira.

Kabilang sa mga nasalanta ng bagyo ang mga pananim na palay, mais, high calue crop, livestock, poultry at fisheries product.

Tiniyak naman ng DA na may sapat na pondo ang kagawaran para ayudahan ang mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo.

AGRIKULTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with