^

Bansa

49% ng pamilyang Pinoy 'mahirap' ang tingin sa sarili, ayon sa SWS survey

James Relativo - Philstar.com
49% ng pamilyang Pinoy 'mahirap' ang tingin sa sarili, ayon sa SWS survey
Some shoppers keep their mask on at a public market in Marikina City on Wednesday, Sept. 14, 2022 following President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr's suspension of the mandatory policy on face masks in outdoor settings on September 12.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Lumobo sa 12.6 milyong pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila'y mahirap ngayong Oktubre 2022, bagay na kumakatawan sa halos kalahati ng kabuuang bilang ng nabanggit, ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS).

Ito ang ibinahagi ng naturang organisasyon, Huwebes, patungkol sa survey na ikinasa nila mula ika-23 ng Setyembre hanggang ika-2 ng Oktubre ngayong taon.

  • naniniwalang mahirap sila: 49%
  • naniniwalang "borderline" mahirap sila: 29%
  • naniniwalang hindi sila mahirap: 21%

"The estimated numbers of Self-Rated Poor families are 12.6 million in October 2022 and 12.2 million in June 2022," ayon sa SWS sa isang pahayag noong Huwebes.

"Compared to June 2022, the percentage of Poor families hardly moved from 48%, while Borderline families fell slightly from 31%, and Not Poor families stayed at 21%."

Naitala ang mga naturang bilang matapos humataw sa 6.9% ang inflation rate nitong Setyembre, ang pinakamataas simula Oktubre 2018 noong ganoon din kabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Lumabas ang datos ng SWS ilang linggo lang nang sabihin ng Philippine Statistics Authority na sumirit ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa 5.3% nitong Agosto, dahilan para umakyat ang jobless sa 2.68 milyong katao.

Ang lahat ng ito ay nangyayari sa kabila ng pagluluwag ng gobyerno sa COVID-19 restrictions sa mga establisyamento't trabaho, bagay na lubhang naapektuhan ng mga lockdowns simula noong 2020.

'Mahirap' dumami sa lahat ng lugar maliban sa...

Ang 1-point rise sa nationwide self-rated poor sa pagitan ng Hunyo at Oktubre ay dahil daw sa bahagyang pagtalon nito sa Visayas, Metro Manila at Mindanao, habang napapanatag naman ito sa Balance Luzon.

  • Metro Manila: 44%, dating 41%
  • Balance Luzon: 36% noon hanggang ngayon
  • Visayas: 68%, dating 64%
  • Mindanao: 64%, dating 62%

"On the other hand, Borderline fell slightly in the Visayas from 26% to 21%, in Mindanao from 31% to 28%, and in Balance Luzon from 36% to 35%. It hardly moved in Metro Manila from 22% to 23%," sabi pa ng SWS.

"At the same time, Not Poor hardly moved in Balance Luzon from 28% to 29%, in the Visayas from 10% to 11%, and in Mindanao from 7% to 8%. It fell in Metro Manila from 37% to 33%."

8.7-M self-rated 'food poor'

Ganito naman ang lumabas sa naturang survey pagdating sa self-rated food poverty, bagay na batay sa pagkaing kinakain ng mga naturang pamilya:

  • food poor: 34%
  • food borderline: 38%
  • hindi "food poor": 28%

"Compared to June 2022, the percentage of Food-Poor families stayed at 34%, Food Borderline families fell slightly from 40%, and Not Food-Poor families rose slightly from 26%," dadag pa ng SWS.

"The estimated numbers of Self-Rated Food Poor families are 8.7 million in both October 2022 and June 2022."

Isinagawa ang pag-aaral sa 1,500 kataong edad 18-anyos pataas sa buong Pilipinas gamit ang harapang panayam: 300 sa Metro Manila, Visayas at Mindanao habang 600 naman sa Balance Luzon.

Hindi kinomisyon ang naturang survey at may sampling error margins para sa ±2.5% national percentages at ±5.7% para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao. Samantala, nasa ±4.0% ito sa Balance Luzon.

PHILIPPINES

POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with