^

Bansa

Civil Society Org. magpa- accredit para partner ng DA sa community development – PCAF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinihikayat ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries ang mga interesadong civil society organization na magpa-accredit bilang opisyal na partner ng Department of Agriculture.

Ayon kay PCAF Executive Director Nestor Domenden, bilang attached agency ng DA, sinisikap nilang mas ilapit sa masa ang mga proyekto ng DA sa pamamagitan ng pag-abot sa iba’t-ibang mga sektor.

Paliwanag n’ya, sa pamamagitan ng pagpapare­histro, makakalahok na ang mga CSO sa mga proyekto ng DA na may kinalaman sa agrikultura at pangingisda.

Kasama sa mga kwalipikado para accreditations ang civic organizations, cooperatives, non-governmental organizations, people’s organizations, indigenous people’s organizations, at non-profit organizations na may kinalaman sa agriculture and fisheries.

Online ang proseso ng aplikasyon kung saan ang mga lalahok ay dapat magsumite ng sinagutang application form na mado-download sa PCAF website; magpasa ng scanned certified true copy ng lahat ng requirements, kasama ang Certificate of Compliance for cooperatives na nakarehistro sa ilalim ng Cooperative Development Authority;  at magdapala sa email ng kumpletong dokumento na hinihingi sa CSO National Technical Secretariat sa [email protected].

PHILIPPINE COUNCIL FOR AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with