^

Bansa

DOH inulat unang Omicron XBB subvariant, XBC variant cases ng Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
DOH inulat unang Omicron XBB subvariant, XBC variant cases ng Pilipinas
Some shoppers wear face masks at a public market in Marikina City on Wednesday, Sept. 14, 2022 following President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr's suspension of the mandatory policy on face masks in outdoor settings on September 12.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang pagkakatukoy sa 81 kaso Omicron XBB subvariant at 193 infections ng XBC variant sa bansa — ang una ay nakikitang "mas nakahahawa" at dahilan ng pagsipa ng COVID-19 cases sa Singapore.

Ito ang ibinahagi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Martes, sa isang media forum kasama ang reporters.

Narito ang itsura ng 81 panibagong kaso ng XBB:

  • nakita sa dalawang rehiyon
  • gumaling na (70)
  • naka-isolate pa (8)
  • bineberipika pa status (3)
  • wala pang namamatay

Detalye sa 193 kaso ng XBC:

  • nakita sa 11 rehiyon
  • gumaling na (176)
  • naka-isolate pa (3)
  • namatay (5)
  • bineberipika pa status (9)

"Fast tracking vaccine deployment and ensuring adequate health system capacity shall minimize impact on admissions and health care utilization," paliwanag pa ng presentation ni Vergeire.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na pruweba raw ito na epektibo ang surveillance ng ng gobyerno, kasama na ang genomic surveillance.

Sinasabing hindi bababa sa 750 samples linggo-linggo ang nase-sequence sa ngayon ng mga laboratoryo ng UP-Philippine Genome Center at Research Institute for Tropical Medicine.

Huwebes lang nang sabihin ng DOH na hindi pa nakakapasok ang XBB sa Pilipinas, na siyang nagbabanta sa health care system ng isang karatig na Southeast Asian nation.

Pagkakaiba ng XBB, XBC

Ang Omicron XBB subvariant, ayon sa DOH, ay sinasabing primary cause ng bagong COVID-19 spikes sa Singapore.

Sa kabila nito, sinabi ng Singapoean Ministry of Health na walang sapat na ebidensyang nagtuturo na nagdudulot ito ng mas malalang karamdaman.

Samantala, ang XBC variant naman ay under monitporing at investigation pa, ayon sa pagkaklasipika ng United Kingdom Health Security Agency.

Gayunpaman, hindi pa matukoy nang lubos ng World Health Organization o European Centers for Disease Control ang peligrong idinudulot ng variant.

Sinasabing "recombinant" ng Delta at BA.2 variant ang XBC variant.

Nakapasok ang mga nasabing variants ngayong nagluluwag na ang bansa sa pagsusuot ng face masks sa outdoor areas.

Ito'y habang 20.31 milyon na booster shots pa lang ang naituturok sa 73.39 milyong nakakakumpleto ng primary series ng COVID-19 vaccine.

Aabot na sa 3.98 milyong kaso ng COVID-19 na ang naitatala sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang 63,547. 

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

SINGAPORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with