‘Inasal’, pang-5 sa Best Chicken Dish sa mundo
MANILA, Philippines — Pasok ang ‘Inasal na Manok’ ng Pilipinas sa Best Chicken Dishes sa mundo base sa international food database na Taste Atlas.
Sa 50 luto ng manok na nakapasok sa listahan ng Taste Atlas, pang-lima ang inasal na manok ng Bacolod na nakakuha ng iskor na 4.6. Audience ratings ang naging basehan ng Taste Atlas sa pag-ranggo ng mga putahe.
Inilarawan nito ang inasal na manok bilang “an encyclopedia of flavors, a world atlas of traditional dishes, local ingredients, and authentic restaurants.
Nanguna naman ang pollo a la brasa ng Peru, sunod ang butter chicken at tikka ng India, at ang jujeh kabab ng Iran.
Nahigitan ng chicken inasal ang iba pang kilalang global na pagkaing manok, tulad ng tandoori chicken ng India, kung pao chicken at orange chiken ng China, buffalo wings ng USA, tori katsu ng Japan, at dak galbi ng Korea.
Ang inasal ng manok ay inilarawan ng TasteAtlas bilang isang “unique Filipino grilled chicken dish” at “signature dish of entire Visayas region.”
Ang inihaw na manok ay kadalasang pinapahiran ng annatto-infused oil, at ibinababad sa pinaghalong calamansi, black pepper, at suka. Ang nasabing manok ay kilala sa lasang citrus, kulay na brown na inihaw at smoky taste dahil inihaw sa apoy o baga.
Kadalasang ka-terno ng inasal na manok ang kanin, toyo at kalamansi na sawsawan at side chicken oil at special na sukang sawsawan mix.
- Latest