^

Bansa

'Open time?' Pagpapaliban ng Brgy., SK elections tinawag na anti-demokratiko, anti-kabataan

Philstar.com
'Open time?' Pagpapaliban ng Brgy., SK elections tinawag na anti-demokratiko, anti-kabataan
Fewer residents queue to register for the Barangay and Sangguniang Kabataan elections in December 2022 at the Commission on Elections (COMELEC) office in Quezon City on Friday, July 8, 2022.
The STAR / Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Kinastigo ng isang party-list group ang muling postponement ng barangay at Sangguniang Kabataan elections patungong 2023, bagay na kontra raw sa interes ng demokrasya at mga kabataan lalo na't ilang beses na itong naulit.

Kamakailan lang kasi nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11935, bagay na magpapaliban ng naturang halalan mula December 2022 patungong Oktubre 2023.

Ayon sa Kabataan party-list, Huwebes, pahahabain na naman nito ang termino ng mga local officials na dapat sana'y matatapos na sa loob ng dalawang buwan.

"Ang pagpapaliban sa halalan ay salungat sa gobyernong tapat at mabuting pamamahala na matagal nang nais makamit ng kabataang Pilipino," ani Mia Angela Simon, vice president for Luzon ng Kabataan party-list, na siya ring Sangguniang Kabataan chairperson.

"Hindi natin dapat hayaan na kontrolin na lang ng mga nasa pinakamataas na posisyon ang mga lider-kabataan na nasa komunidad, na first hand gumagampan sa tungkulin at alam ang materyal na kondisyon ng kanilang nasasakupan."

Aniya, overworked, understaffed at undercompensated sa ngayon ang SK matapos ilang beses mapahaba ang mga termino sa gitna ng COVID-19.

Lumalabas daw sa datos mismo ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa 34,000 bakanteng SK positions ang naiwan simula 2018 sa buong Pilipinas.

Dagdag pa ni Simon, pag-agaw sa karapatan ng mga lokal at lider kabataang gustong tumakbo sa eleksyon para maglingkod sa baranggay ang muling postponement na ito. Tinatanggal din daw nito sa kabataang makapamili sila ng genuine youth representatives na mas epektibong makapagtratrabaho.

"Kaya naman, ngayon higit kailan man, kailangan nating tumindig at ipaglaban ang batayang karapatan sa pagboto at paghahalal sa mga karapat dapat na pinuno," sabi pa ni Simon.

"Sa kapwa lider-kabataan lalo sa mga nasa Sangguniang Kabataan, hamon sa atin na tunay na maglingkod sa bayan sa pagtagumpay ng politika ng pag-asa, pakikibaka at mabuting pamamahala."

Paulit-ulit nangyayari

Ayon mismo kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, paulit-ulit nang naaantala ang mga naturang eleksyon sa lebel ng baranggay. 

"Original 2016 BSKE was postponed to 2017 under [Republic Act] 10923. 2017 BSKE was postponed to 2018 under RA10952, with the next BSKE to be held in 2020," sabi niya sa mga reporters sa Viber kanina.

"2018 BSKE was finally held. 2020 BSKE was postponed and reset to 2022 under RA11462. And now, the 2022 BSKE is postponed to 2023 under RA11935."

Sa hiwalay na pahayag, inilinaw ng Comelec na mangyayari na uli ang BSKE isang beses matapos ang tatlong taon pagkatapos nito.

Tiniyak naman ni Comelec chairperson george Garcia na hindi masasayang ang mga election supplies at paraphernalia gaya printed official ballots atbp. Ilalagay daw ito sa mga warehouses ng komisyon at babantayang maigi bago ang 2023 BSKE.

"In the meantime, ballot printing ang operations at the National Printing Office will be temporarily suspended to reconfigure the ballot face templates to reflect the October 30, 2023 date of the BSKE in the next batch of official ballots," ayon sa kanilang pahayag.

Itutuloy naman ng Comelec ang pagpaparehistro ng mga botante sa huling linggo ng Nobyembre o sa unang linggo ng Disyembre 2022 matapos ang mga kinakailangan pang aktibidad at pagsasanay. — James Relativo

BARANGAY ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

KABATAAN PARTY-LIST

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with