^

Bansa

CHR aaksyunan death threats vs Ed Lingao, Lourd de Veyra ng TV5

Philstar.com
CHR aaksyunan death threats vs Ed Lingao, Lourd de Veyra ng TV5
Logo of Commission on Human Rights
Commission on Human Rights

MANILA, Philippines — Aaksyon na rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagbabanta sa buhay ng dalawang prominenteng mamamahayag ng TV5, bagay na hindi raw isasawalang-bahala ng komisyon.

Kamakailan lang kasi nang humingi ng tulong ang Department of Justice sa publiko para matukoy ang nasa likod ng pagbabanta sa dalawang News5 broadcasters, bagay na lumutang matapos mapatay ang radio broadcaster na si Percy Lapid.

"On 11 October 2022, CHR received reports involving online threats made against TV5 journalist Ed Lingao and television host Lourd de Veyra," ayon sa CHR, Miyerkules, sa isang pahayag.

"Based on initial review, an individual named Seth Corteza claimed that the two would allegedly be the next victims of assassination; referencing to the fatal ambush of the late radio broadcaster Percival 'Percy Lapid' Mabasa."

Ika-4 ng Oktubre nang ipaskil sa Twitter ang nabanggit na banta, habang tila ipinahihiwatig na parte sina Lingao at De Veyra sa parehong "kontrata" ng pagpapatumba kay Lapid.

Nananatili raw na matatag ang CHR sa paninindigan nitong depensahan ang malayang pamamahayag at lahat ng media workers sa buong bansa.

"As an independent human rights institution, CHR actively works for the security of the media through our helpdesks and public safety mechanisms," patuloy ng CHR.

"We shall endeavor to reach out to the involved and explore preventive measures, through the our Investigation Office, offer assistance as well as a quick response mechanism that will look into the veracity of threats, among others."

Idiniin din nilang mahalaga ang papel ng midya sa pagtulong sa mga Pilipinong magkaroon ng napapanahon at tamang impormasyon na importante upang masakatuparan ang karapatan ng lahat.

Nananawagan din ang CHR sa gobyernong tugunan ang mga paglabag na ito at gumawa ng mga "proactive measures" upang matigil ang atake sa media.

Pare-parehong kilala sina Mabasa, Lingao at De Veyra sa kritikal na pagbabalita. Ang huling dalawa ay ilang taon nang nagtratrabaho bilang anchor at TV hosts ng Singko.

Dalawa na ang mamamahayag na napapatay sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang una ay si Rey Blanco na sinaksak nitong ika-18 ng Setyembre habang ang ikalawa naman ay si Lapid na siyang pinagbabaril Las Piñas.

Ngayong Mayo lang nang bumagsak sa ika-174 pwesto ang Pilipinas sa 2022 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders, bagay na nagtatasa sa estado ng peryodismo sa 180 bansa at teritoryo sa mundo. — James Relativo

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

DEPARTMENT OF JUSTICE

ED LINGAO

LOURD DE VEYRA

MEDIA KILLINGS

PRESS FREEDOM

TV5

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with