^

Bansa

Ateneo inungusan UP bilang no. 1 pamantasan sa Pilipinas sa world rankings

James Relativo - Philstar.com
Ateneo inungusan UP bilang no. 1 pamantasan sa Pilipinas sa world rankings
Makikita sa litratong ito ang mga estudyante ng Ateneo na ginugunita ang Pride Month, ika-11 ng Oktubre, 2022
Mula sa Facebook page ng Ateneo de Manila University

MANILA, Philippines — Naunahan na ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) bilang "pinakamahusay" na pamantasan sa bansa kung pagbabatayan ang bagong labas na Times Higher Education World University Rankings 2023.

Lumapag sa 351-400 na pwesto ang Ateneo sa naturang world university rankings, dahilan para makuha ang top spot sa lahat ng mga unibersidad sa Pilipinas.

Nasungkit naman ng UP ang 801-1,000 pwesto matapos ma-unseat ng pribadong pamantasan na nakatayo rin sa Katipunan Ave. sa Quezon City.

"The Times Higher Education World University Rankings 2023 include 1,799 universities across 104 countries and regions, making them the largest and most diverse university rankings to date," wika ng Times Higher Education sa kanilang ulat.

"The table is based on 13 carefully calibrated performance indicators that measure an institution’s performance across four areas: teaching, research, knowledge transfer and international outlook."

Inanilisa rin ngayong taon ang nasa 121 milyong citations sa mahigit 15.5 milyong research publications, kasama ang survey responses mula sa 40,000 iskolar sa buong mundo.

Sa kabuuan, nangolekta rin ng nasa 680,000 datapoints mulka sa 2,5000 institutions na nagsumite ng datos.

Nauwi naman sa ikatlong pwesto ang De La Salle University ngayong taon, na siyang napanatag sa ranggong 1,201-1,500.

Ikaapat naman sa mga Filipino universities sa parehong listing ang Mapua University sa ranggong 1,501+.

"The University of Oxford tops the ranking for the seventh consecutive year. Harvard University remains in second place, but the University of Cambridge jumps from joint fifth last year to joint third," patuloy pa ng THE.

"The highest new entry is Italy’s Humanitas University, ranked in the 201-250 bracket."

Estados Unidos pa rin ang "most-represented" country sa kabuuan sa naturang listahan na may 177 institusyon. Amerika rin ang may pinakamaraming paaralan na nasa top 200 sa bilang na 58.

Mainland China naman ang ikaapat na may pinakamaraming institusyon sa top 200 sa bilang na 11, kumpara sa 10 lang noong nakaraang taon. Naunahan na nila ang Australia, na siyang dumulas sa ikalima (kapantay ng Netherlands).

vuukle comment

ATENEO DE MANILA

TIMES HIGHER EDUCATION

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

WORLD UNIVERSITY RANKINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with