^

Bansa

DOH: Walang 'cholera outbreak' kahit kaso 282% inilobo kumpara noong 2021

James Relativo - Philstar.com
DOH: Walang 'cholera outbreak' kahit kaso 282% inilobo kumpara noong 2021
Residents from different barangays living near the Marikina River evacuate from their homes after the river reached the critical level of 17.5 meters at 11:23 p.m. on Sept. 25, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng "outbreak" ng cholera sa Pilipinas sa kabila ng biglaang pagtaas ng bilang ng nahahawaan nito sa Pilipinas ngayon kumpara sa parehong panahon noong 2021.

Ito ang sinabi ni Maria Rosario Vergeire, Martes, matapos umabot sa 3,729 ang kaso ng cholera sa Pilipinas simula Enero 2022 hanggang sa kasalukuyan.

"This is 282% higher compared to the cases we reported during the same time period in 2021. "[Sa parehong panahon noong nakaraang taon], ang ating mga kaso ay 976," sabi ni Vergeire kanina.

"Cumulatively, ang mga cholera cases mostly were reported from Region 8 (Eastern Visayas), Region 11 (Davao Region) and CARAGA."

Mula ika-28 ng Agosto hanggang ika-24 ng Setyembre, merong 258 kasong naitala.  Naobserbahan ang pinakamaraming kaso ng cholera sa Eastern Visayas, Bicol at Western Visayas.

'Wala pang outbreak'

Sa kabila ng nagtataasang mga numero sinabi ng DOH na wala pa ring cholera outbreak sa Pilipinas, bagay na idinedeklara lang kapag lumagpas na sa threshold na ikinukumpara sa nakaraang limang taon.

Tumaas na sa epidemic threshold ang Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas. Sa kabila nito, mga lokal na pamahalaan na raw ang may kapangyarihang magdeklara nito sa ngayon.

"It's the call of the local government to call an outbreak. Hindi po 'yan pangmalawakan na national po tayo. Kapag nag-involve na po tayo nang mas marami pang rehiyon 'yan, that's the time that the national government comes in to manage and also declare," sabi ni Vergeire.

"So sa ngayon, wala pang nagdedeklara na mga local governments kasi manageable pa naman 'yung mga nakukuha nilang mga kaso sa ngayon." 

Matatandaang taong 2019 lang nang magkaroon naman ng outbreak ng polio sa Pilipinas matapos manumbalik ng sakit sa bansa matapos ang 19 taon.

Patay sa cholera 33 na

Karamihan sa mga tinatamaan ng naturang sakit ay mga nasa edad lima hanggang siyam na taong gulang.

Karamihan pa rin daw sa mga nahahawaan nito ay dulot ng pag-inom ng tubig na hindi ligtas ikonsumo. Madalas daw kasi ay apektado ang water systems ng Pilipinas ngayong tag-ulan at talamak ang mga pagbaha at pagdagsa ng mga tao sa mga evacuation centers.

Umabot na sa 33 ang namamatay sa cholera ngayong 2022, ayon sa pinakahuling disease surveillance report ng DOH pagdating sa Epidemic-prone Disease Case Surveillance.

Malayong-malayo ito sa limang namatay sa cholera noong parehong panahon noong 2021.

CHOLERA

DEPARTMENT OF HEALTH

OUTBREAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with