^

Bansa

Signal no. 1 itinaas sa 6 na lugar bago mag-landfall 'Maymay' bukas

James Relativo - Philstar.com
Signal no. 1 itinaas sa 6 na lugar bago mag-landfall 'Maymay' bukas
Bandang 4 a.m. nang mamataan ang sentro ng sama ng panahon 300 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, ayon sa huling taya ng PAGASA ngayong Martes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa anim na lugar sa kapuluan ng Luzon ngayong naging isang ganap na bagyo na ang Tropical Depression Maymay.

Bandang 4 a.m. nang mamataan ang sentro ng sama ng panahon 300 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, ayon sa huling taya ng PAGASA ngayong Martes.

  • Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 55 kilometro kada oras
  • Direksyon: timogkanluran
  • Pagkilos: 10 kilometro kada oras

"Today through tomorrow morning, moderate to heavy with at times intense rains over Cagayan, Isabela, and Apayao. Light to moderate with at times heavy rains over Batanes, Ilocos Norte, Aurora, and Kalinga," wika ng state weather bureau kanina.

"Strong winds (strong breeze to near gale strength) may be experienced within any of the areas where Wind Signal No. 1 is currently in effect."

Signal no. 1 (malalakas na hangin):

  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Pollilo Islands

Bandang 12 a.m. kanina nang maging ganap na tropical depression ang bagyo at nakikita ng state meteorologists na mapapanatili ang kategoryang ito sa susunod na 48 oras.

Nandiyan din ang posibilidad na bumalik ito sa pagiging low pressure area oras na tumawid ito sa Gitnang Luzon.

Inaasahan din ng weather forecasters ang kalat-kalat na pagbaha at rain-induced landslides lalo na sa mga lugar na palagiang nakararanas ng ganitong peligro sa hazard maps pati na sa mga lugar na magkakaroon ng malakas na buhos ng ulan.

"On the forecast track, the center of this tropical cyclone is forecast to make landfall in the vicinity of southern portion of Aurora or northern portion of Quezon tomorrow afternoon or evening," dagdag pa ng PAGASA.

"Afterwards, the center of 'MAYMAY' will move west southwestward and cross several provinces in Central Luzon before emerging over the West Philippine Sea by Thursday morning or afternoon."

MAYMAY

PAGASA

TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with