Garafil itinalagang OIC sa Office of the Press Secretary
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Cheloy Velicaria-Garafil bilang officer-in-charge at undersecretary ng Office of the Press Secretary.
Ginawa ng Pangulo ang anunsiyo matapos ma-bypassed ng makapangyarihang Commission on Appointments si dating Press Secretary Trixie Angeles.
Agad ding nagbitiw sa puwesto si Garafil bilang LTFRB chairperson matapos ang pagkakatalaga sa kanya ng Pangulo sa OPS.
Mismong si Garafil din ang nag-anunsiyo na tinanggap niya ang bagong posisyon.
“Today, October 7, 2022, I tendered my resignation as LTFRB chairperson as I have accepted the offer to help in the Office of the Press Secretary as its undersecretary and OIC,” pahayag ni Garafil.
Sinabi rin ni Garafil na isang malaking karangalan ang bagong posisyon at nagpapasalamat siya sa tiwala sa kanya ng Pangulo.
Nauna rito, apat na pangalan ang lumutang na papalit kay Cruz-Angeles sa puwesto na kinabibilangan nina transportation Undersecretary Cesar Chavez, PAGCOR board director Gilbert Remulla, Atty. Michael “Mike” Toledo ng Metro Pacific Investment Corp. at movie director Paul Soriano.
- Latest