^

Bansa

Pulse Asia: 66% ng Pinoy gusto unahin ng gobyerno paglaban sa 'inflation'

James Relativo - Philstar.com
Pulse Asia: 66% ng Pinoy gusto unahin ng gobyerno paglaban sa 'inflation'
Customers buy vegetables at a market in Manila on October 5, 2018. Philippine inflation has risen for a ninth straight month in September, to a near-10-year high, the government said October 5, in an unexpected challenge for President Rodrigo Duterte.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Pagsugpo sa pagtaaas ng presyo ng bilihin ang "numero unong" pinoproblema ng 66% ng mga Pinoy, ayon sa bagong survey ng Pulse Asia, Huwebes. Aniya, dapat itong bigyan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinakamabilis na aksyon.

"This [controlling inflation] is the prevailing view in all geographic areas and socio-economic classes (56% to 81% and 51% to 71%, respectively)," sabi ng Pulse Asia sa kanilang Ulat ng Bayan survey.

"[Meanwhile, almost] half of Filipino adults cite increasing workers’ pay as an urgent national concern (44%) while around a third of them are concerned about job creation and poverty reduction (35% and 34%, respectively)."

Nitong Miyerkules lamang nang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority na lumobo ang September inflation rate sa 6.9% — ang pinakamataas sa loob ng apat na taon.

Pang-lima lang naman ang paglaban sa korapsyon sa gobyerno, bagay na pinili ng nasa 22% ng mga Filipino adults.

Kriminalidad at kagutuman naman ang pinaka-concern ng 1/5 ng populasyon, habang nasa 1/10 lang naman ang pumili sa pagpapatupad ng rule of law.

Ang naturang survey ay ikinasa ng Pulse Asia Research mula ika-17 hanggang ika-21 ng Setyembre 2022 gamit ang harapang panayam.

Pagresponde ni Marcos Jr. sa kalamidad pinakapinuri

Nakakuha ang administrasyong Marcos na majority approval ratings sa 11 sa 13 isyung kinakaharap ng bansa, bagay na nakitaan daw ng taumbayan ng mabilis na aksyon.

Kabilang na riyan ang:

  • pagresponde sa nasalanta ng kalamidad (78%)
  • pagkontrol ng COVID-19 (78%)
  • pagtataguyod ng kapayapaan (69%)
  • pagprotekta sa overseas Filipino workers (68%)
  • paglaban sa kriminalidad (67%)
  • pagpapatupad sa rule of law (62%)
  • paglikha ng maraming trabaho (59%)
  • pagtaas ng sahod ng manggagawa (59%)
  • paglaban sa katiwalian (58%)
  • pagprotekta sa kalikasan (57%)
  • pagdepensa sa territorial integrity (52%)

Inaral ng naturang surbey ang nasa 1,2000 katao, edad 18-anyos pataas. Meron itong  ± 2.8% error margin sa 95% confidence level habang narito ang subnational estimates para sa geographic areas na sumusunod sa 95%:  ± 5.7% para sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

COMMODITY

FOOD

INFLATION

PRICE

PULSE ASIA

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with