^

Bansa

September inflation rate humataw sa 6.9%, pinakamataas sa 4 na taon

James Relativo - Philstar.com
September inflation rate humataw sa 6.9%, pinakamataas sa 4 na taon
Vendors tend to their stalls as customers browse at a market in Manila on September 21, 2022. The Asian Development Bank on September 21 cut its 2022 growth forecast for developing Asia, with crippling Covid-19 lockdowns in China, conflict in Ukraine and efforts to combat inflation dragging on the region.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Lalong umarangkada ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang Setyembre 2022 kasabay ng pananalasa ng Super Typhoon Karding — ang pinakamalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taon.

Umabot kasi sa 6.9% ang inflation rate nitong nakaraang buwan, kapareho noong Oktubre 2018. Huling mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin 13 taon na ang nakalilipas (Pebrero 2009) noong umabot ito sa 7.2%.

"The headline inflation in the Philippines accelerated to 6.9 percent in September 2022, from 6.3 percent in August 2022. This is the highest recorded inflation since October 2018," wika ng Philippine Statistics Authority, Miyerkules.

Labis-labis pa rin ito sa 2-4% target inflation ng gobyerno.

Matatandaang Setyembre lang din nang tumama ang bagyong "Karding" kung saan umabot sa 1.07 milyong katao ang naapektuhan at pumalo sa 3.05 bilyon ang natamong pinsala ng sektor ng agrikultura.

"The acceleration in the country’s inflation rate in September 2022 was primarily due to the higher annual growth rate in the index for food and non-alcoholic beverages at 7.4 percent, from 6.3 percent in August 2022," dagdag pa ng PSA.

Kaugnay nito, umabot na sa 5.1% ang average inflation rate mula Enero hanggang Setyembre 2022.

Ayon kay Nicholas Mapa, senior economist ng ING Bank sa Maynila, na nagsabay ang demand at supply side pressures dahilan para maitulak pataas ang headline at core inflation. 

"Inflation to accelerate in Oct on transport fare hike and food inflation from storm damage," wika niya sa isang tweet.

Binatikos naman ni Sonny Africa, executive director ng economic think tank na IBON Foundation, ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang idinidiing walang pakialam ang presidente sa ganitong pagtaas ng presyo ng bilihin para sa mga karaniwang tao.

Kilalang dating staff ng National Economic and Development Authority si Africa.

"Someone who doesn't even think twice about spending millions of pesos for a family weekend break abroad wouldn't really care that PH inflation increased to 6.9% which, with same 6.9% in Sept/Oct 2018, is the highest since 7.2% in Feb 2009," sabi niya.

"Or might, again, just pompously (brattily?) disagree with these figures."

 

 

Pinariringgan ni Africa ang "maluhong" pagpunta nina Bongbong sa Formula One Grand Prix sa Singapore nitong weekend matapos ang bagyo at pagbagsak ng halaga ng piso, bagay na labis binatikos nang marami.

Hulyo lang din nang magduda si Marcos noong pumalo sa 6.1% ang inflation rate sa Pilipinas, dahilan para sabihin niya noong, "We are not that high."

"Wala pa ring tugon ang administrasyon sa bagay na ito. Hirap na ang mga consumer at commuter sa nagtataasang presyo. Habang ang mga namumuno ay nakakapag lamierda sa abroad," sabi naman ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes Jr.

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

IBON FOUNDATION

INFLATION RATE

ING BANK

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with