Chinese vessels nagtatayo ng ‘artificial island’ sa Spratly
MANILA, Philippines — Naglalagay umano ng ‘artificial island’ ang mga Chinese vessel malapit sa Spratly Island.
Ito ang ibinunyag ni Sherwin Lojina, isa sa walong mangingisda mula Barangay Bagong Bayan sa Puerto Princesa.
Ayon kay Lojina, halos gabi-gabi nilang nakikita ang “pagbubuhos” ng mga bato ng ilang Chinese vessel.
Sakay umano ng tinatayang 30 vessel na may bandila ng China ang mga gumagawa ng pagtatambak ilang metro ang layo sa kanilang mga di-katig na bangka.
Hinala pa nito ay may Chinese coast guard habang ginagawa ang artificial island at ito ay nasaksihan na rin ng iba pang mangingisdang nauna sa kanila.
May kumukuha ng video sa kanila habang nasa Jackson Reef ang mga nasa barko ng China subalit hindi naman sila sinita.
Ang ilang Chinese vessel na ito ang sinasakyan ng mga materyales sa “pagbuhos” ng mga bato sa karagatan gabi-gabi.
Dagdag ni Lojina nakakalungkot na tila hindi pinapansin ng Philippine Coast Guard sa ganoong sitwasyon habang sila ay nakaangkla.
Dahil dito nangangamba si Lojina at mga kasamahang mangingisda na magpatuloy ang Chinese vessel sa kanilang pagtatambak.
Ua nang kinumpirma ng AFP na kamakailan ay may presensya ng hindi mabilang na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa WPS.
- Latest