Bagyong 'Luis' posible maging tropical storm sa susunod na 24 oras — PAGASA
MANILA, Philippines (Update 2, 12:58 p.m.) — Ganap nang isang bagyo ang Tropical Depression Luis matapos lumakas ang isang low pressure area sa silangan ng Dulong Hilagang Luzon, pagbabalita ng state weather bureau.
Bandang 10 a.m. nang mamataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo 1,100 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, Miyerkules.
- Lakas ng hangin: 55 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 70 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilagangkanluran
- Pagkilos: 25 kilometro kada oras
BASAHIN: Nueva Ecija nagdeklara ng state of calamity
"The Low Pressure Area east of Extreme Northern Luzon developed into Tropical Depression LUIS at 8 a.m. today," wika ng PAGASA sa isang ulat kanina.
"This tropical cyclone is forecast to intensify into a tropical storm within the next 24 hours. Further intensification is likely while moving over the sea east of southern Ryukyu Islands."
Wala pa namang inaasahang kahit na anong direktang epekto ang bagyo sa anumang kalupaan ng Pilipinas sa kabuuan ng forecast period.
Samantala, tinatayang pauulanin ng Hanging Habagat at low pressure area sa silangan ng Mindanao ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Eastern at Western Visayas at silangang bahagi ng Mindanao.
Nakikitang kikilos ang tropical depression pahilaga hilagangkanluran sa susunod na 24 oras bago pumihit pahilagangsilangan sa Huwebes ng gabi.
Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility si "Luis" bukas ng umaga o hapon.
Kamakailan lang nang lumabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo, na siyang pumatay na sa siyam katao habang nawawala nasa tatlo na.
Sa ngayon, ito ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong 2022.
- Latest
- Trending