^

Bansa

'Contempt 'yan': Korte Suprema binalaan dating NTF-ELCAC spox sa atake vs hukom

James Relativo - Philstar.com
'Contempt 'yan': Korte Suprema binalaan dating NTF-ELCAC spox sa atake vs hukom
This file photo shows Lorraine Badoy-Partosa attending a congressional hearing.
The STAR, File

MANILA, Philippines — Pinag-uusapan na ngayon ng Supreme Court ang mga posibleng hakbang laban sa dating tagagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict dahil sa red-tagging at "pagbabanta sa buhay" ng isang hukom mula sa Manila Regional Trial Court.

Ika-21 kasi ng Setyembre nang ibasura ni presiding judge Marlo Magzoa-Malagar ang petisyon ng Department of Justice na ipadeklarang iligal at terorista ang rebeldeng Communist Party of the Philippines at New People's Army.

Ipinutok ito ng butsi ni Lorraine Badoy, dating spokesperson ng NTF-ELCAC, bagay na nauwi na sa red-tagging at "hypothetical" na pagbabanta sa buhay ng hukom.

"The Court STERNLY WARNS those who clontinue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families," ayon sa public information office ng SC, Martes.

"[T]his SHALL LIKEWISE BE CONSIDERED A CONTEMPT OF THIS COURT and will be dealt with accordingly."

Ang direct at indirect contempt, sa ilalim ng batas sa Pilipinas, ay posibleng mauwi sa pagpapabayad ng multa at/o pagkakakulong.

Ngayong araw lang nang talakayin ng SC nang motu proprio — o sa sariling pagkukusa — ang posibleng aksyon patungkol sa mga pahayag ng isang "certain Lorraine Badoy" laban kay Magdoza-Malagar, bagay na naglalaman na raw ng pananakot. 

Ano bang ebas ni Badoy?

Ika-23 lang ng Setyembre nang sabihin ni Badoy — na matagal nang kilala sa pag-uugnay ng mga ligal na pormasyon sa mga armadong rebelde — na "nag-abogado" pa sa mga komunista ang hukom. 

Hindi kasi matanggap ng nabanggit na dapat kilalaning political crimes ng mga rebolusyonaryo at hindi terorismo ang ikinakasa ng CPP-NPA.

"So if I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP NPA NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP NPA NDF and their friends, then please be lenient with me," sabi niya.

"Like the true ally that she is of this terrorist organization, Judge Malagar spoke about an issue that wasn’t even part of this case and that is a weapon badly needed by the CPP NPA NDF to continue recruitment of our children, their fund-raising/extortion activities and propaganda against government: redtagging."

 

 

Dagdag pa ni Badoy, "kaibigan ng CPP-NPA" ang judge pati na ng mga kaanib nila sa lungsod, kahit na wala namang ebidensya.

Ilang beses nang nauuwi sa enforced dissappearances, pagkakakulong at extrajudicial killings ang red-tagging, bagay na madalas mangyari sa mga aktibista.

Matagal nang sinasabi ng CPP-NPA na hindi sila terorista, at tanging target lang ang gobyerno at mga naghaharing-uri — hindi ang mga sibilyan. Itinatanggi rin nila na gumagawa sila ng pangingikil ngunit ng pangongolekta ng revolutionary tax sa mga nasasakupan ng "gobyernong bayan."

Kamakailan lang nang kundenahin ng Integrated Bar of the Philippines at Philippine Judges Association ang mga aksyon ni Badoy, lalo na't may kasama na itong pagbabanta ng bodily harm kahit ginagawa lang ang kanilang ligal na tungkulin.

'Ipaglaban judicial independence!'

Lunes lang nang maglabas ng pahayag ang nasa 174 abogado, bagay na kumukundena sa mga aksyon ni Badoy habang ipinagtatanggol ang karapatan ng hudikatura na maging independyente.

"As lawyers and litigators, we win some, lose some. We may disagree with and even criticize court orders and decisions, but we should always do so in good faith, with respect for processes and within the bounds of what is legally permissible," sabi ng pahayag.

"We note that Ms. Badoy continues her brazen and outrageous attacks through social media without compunction, including threats to life and to bomb offices, vicious red-tagging, and wild accusations."

Nagkakalat din daw ng tsismis si Badoy na may kuneksyon ang asawa ni Malagar sa mga rebelde.

Hindi rin daw dapat hayaan lang na magpatuloy na magpakalat ng kasinungalingan ang nabanggit, na siyang makasisira pa raw lalo sa kumpiyansa ng taumbayan sa mga korte at justice system.

"Ms. Badoy must be held accountable while those who dare to follow her lead must be warned that there are consequences for violating the law," kanilang panapos.

Ilan sa mga lumagda sa naturang pahayag sina Neri Colmenares (NUPL Chairperson), Dean Pacifico Agabin (Lyceum College of Law), dating Commission on Human Rights commissioner Gwen Pimentel-Gana, dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, Edre Olalia (NUPL President), ex- Cong. Lorenzo Tanada III, Dean Manuel Quibod (Ateneo de Davao College of Law) atbp. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

LORRAINE BADOY

NEW PEOPLE'S ARMY

REBELLION

RED-TAGGING

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with