^

Bansa

'Aerial inspection': Marcos di muna bumisita sa 'Karding' areas para iwas abala

James Relativo - Philstar.com
'Aerial inspection': Marcos di muna bumisita sa 'Karding' areas para iwas abala
Makikitang nagsasagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac matapos manalasa roon ang Typhoon Karding, ika-26 ng Setyembre, 2022
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Tumanggi muna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa anumang probinsyang tinamaan ng Typhoon Karding — ang pinakamalakas na bagyo sa Pilipinas ngayong 2022 — dahilang makakaabala lang daw siya kung gagawin ito.

Ito ang ipinaliwanag ni Bongbong bago siya nagsagawa ng "aerial inspection" sa mga labis na nasalantang lugar gaya ng Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac. Ilan sa lugar na 'yan, nag-Signal no. 5.

"I will not land in any place because from my experience, pagka nasa local government ka lalo na just after the typhoon, marami silang trabaho," banggit ng presidente kanina sa isang press briefing.

"'Pag bumaba ako, kailangan nila akong i-welcome, kailangan 'yung pulis sa akin, kailangan kukunin ko 'yung mga sasakyan nila. Eh ang dami nilang kailangang gawin so makakaistorbo lang ako."

 

 

Matatandaang sumagasa ang naturang bagyo sa Luzon, dahilan para mamatay ang lima sa Bulacan at ilikas ang nasa halos 75,000 katao

Kanina lang nang sabihin ng Department of Agriculture na umabot na sa P141.38-milyong halaga ng pinsala na ang naidudulot nito sa sektor ng agrikultura.

Kilala rin noon si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasa ng mga kaparehong aerial inspection tuwing may bagyo.

"Then time will come, I’ll go and talk to them and see what else they need after, the immediate emergency support," ani Marcos.

Linggo lang nang mabatikos online si Bongbong nang maglabas siya ng kanyang vlog patungkol sa kanyang trip sa New York sa kasagsagan ng bagyo.

 

 

Pang-photo ops lang?

Kwinestyon naman ni Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes Jr. ang ikinasang aerial inspection ni Marcos, lalo na't wala naman daw itong natitutulong na direkta sa mga survivors ng bagyo.

"Walang value itong laging ginagawang aerial inspection ng Presidente sa pagbabalangkas ng policy sa panahon ng kalamidad," ani Reyes sa isang tweet kanina.

"Pang photo ops lang talaga."

Kanina lang nang sabihin ni Zoe Caballero, tagapagsalita ng National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth, na P15,000 unconditional production subsidy ang kailangan ng mga magsasaka't mangingisda ngayon at hindi mga aerial inspection. 

Sinimulan naman na ang pamimigay ng P5,000 pinansyal na tulong kada sambahayan na may partially-damaged houses sa bayan ng Patnanungan, Quezon, kasabay ng pagbisita doon ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo.

P10,000 naman ang ipapamahagi para sa mga bahay na wasak na wasak.

Umarangkada na rin ang kanilang pamimigay ng Department of Social Welfare and Development ng family food packs sa iba't ibang rehiyong naapektuhan ng sama ng panahon.

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BONGBONG MARCOS

BULACAN

KARDING

QUEZON

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with